sa pag-move on…. KIM CHIU, BALDE-BALDE NA ANG INILULUHA?

sa pag-move on…. KIM CHIU, BALDE-BALDE NA ANG INILULUHA?

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

FEEL na feel ni Kim Chiu ang maging emosyonal pagdating sa moving on. Sa isang katulad niyang laging hinihiwalayan kaya trending na naman ang aktres sa latest episode ng Its Showtime sa Especially For You, kung saan nga ay ito ang kanilang topic nina Meme Vice Ganda at Vhong Navarro. Todo explain si Kimmy sa isyung moved on nila ni Xian Lim, na umabot nga ng isang dekadang pagmamahalan sa on and off cam. Trying hard na jinustify ang kanyang side na everything is for a reason baka nga raw ito na ang kanilang kapalaran, na tuldukan ang nakaraan at magsimula ng panibagong buhay. Kahit mahirap, tatangapin niya ito ng buong puso.

Napaluha nalang si Kim Chiu ng todo todo, kaya yung mga audience ay emosyonal bumuhos ang balde baldeng luha sa noontime show. Lahat ng kanyang mga ex ay parang pinagkaisahan siya, at naalala tuloy ang sakit ng iniwan pinagpalit sa ibang babae at heto ngayon nasa moving on stage na siya. Syempre di mawawala ang kanyang bagong labtim na si Paulo Avelino na nagpatibok sa kanyang puso kahit wala pang aminan na nangyayari, pero halatang halata naman na lagi silang magkasama at nagkakadevelopan na sa oras na ito.

No description available.

SHARE FOR THE MEDICATION BILL

NAPATULALA na lamang si Kuya Boy Abunda ng deretsahang sabihan ni Kris Aquino na babayaran nito ang kanyang pangpa-hospital sa kanyang birthday last Valentines Day, tutal pipirma ng bagong kontrata ito sa GMA Network, kung saan nga ay exclusive ang kanyang panayam sa Queen Of All Media. Kahit pa inabot na ito ng taon sa Amerika sa pagpapagamot sa kanyang auto immune disease ay lumabas pa din ang pagiging taklesa nito na tatak na ng isang Kris Aquino. Pilit na pinatatag ni Krissy ang kanyang sarili, di ito nagdrama-dramahan sa kanyang appearance na gustong ipakita ni kuya Boy, kaya walang eksenang iyakan, ang nakita ng mga nanuod sa livestream.

Hayagang inamin ni Kris na wala na siyang immune defense sa mga sakit kaya ang bagong gamot na nasa clinical trial na ang kanyang pag-asa pero kailangan dumaan muna siya sa proseso lalo na matatamaan ang kanyang puso na kinatakot ng aktres. Baka nga daw atakihin siya anytime, sa puntong ito parang nagpapaalam na siya sa mga tagahanga at sumubaybay sa kanyang karir lalo pa inihabilin na ang kanyang anak kay Boy Abunda na ito na ang umampon at magpalaki sa kanyang bunsong si Bimby kahit nangako ito sa mga anak na hangang kakayanin pa niya ay sasamahan ang mga ito. Kaya sa kanyang mga kapatid na babae niya ito inihabilin.

Nakaka-miss din ang kanyang mga alaala lalo na nung kalakasan nito sa The Buzz na talagang inaabangan kada linggo ang pasabog nito, pati na sa mga gameshow na pumatok sa madlang pipol. Kaya ang maalala ng mga nagmamahal sa kanya ay ang kanyang halakhak, na siya lamang ang merong ganyang tawa, as in trademark na nga ni Kris Aquino, ang mataray na classic tita, Pasosyal na may K magdala ng pagiging fashionista, host, all time media sa telisbisyon, radyo at dyario pati na sa pagiging box office queen, na tumabo sa takilya ang mga horror movies nito nung kasagsagan ang kasikatan. Kaya nakakaawa din na maubos ang pera nitong naipon dahil lamang sa kanyang kasumpa sumpang sakit na walang lunas.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *