TEEJAY MARQUEZ, FEEL NA GIRL NAMAN ANG MAGIGING KAPARTNER

TEEJAY MARQUEZ, FEEL NA GIRL NAMAN ANG MAGIGING KAPARTNER

May be an image of 1 person and text that says 'Showbiz PAMORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.'
No description available.
No description available.

ISA si Teejay Marquez sa cast ng pelikulang After All mula sa ALV Films na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Beauty Gonzales. Mula ito sa direksyon ni Adolf Alix. “Ako po si Joey sa After All. Mommy ko po rito si Miss Beauty Gonzales, bilang si Ina. Best friend ko rito si Kelvin bilang si Joseph. At jowa ko rin dito si Miss Devon,”sabi ni Teejay tungkol sa kanyang role. Bukod kay Devon, ay karelasyon din ni Teejay sa pelikula si Kelvin. “Medyo challenging ‘yung role ko rito kasi ka-tringle ko sina Kelvin at Miss Beauty. Iisa ‘yung lalaking minamahal namin ni Miss Beauty,” Sa movie ay may kissing scene sina Beauty at Kelvin. Kaya tinanong namin si Teejay kung may kissing scene rin ba sila ni Kelvin, dahil lovers din sila, ang sagot niya na natatawa,

“Ay abangan ninyo po ‘yan. Dapat ninyo pong abangan ‘yan. Kaya dapat manood kayo para malaman ninyo kung may kissing scene ba kami rito.” Hindi na bago kay Teejay na gumanap sa role ma may karelasyong kapwa niya lalaki. Nakagawa na kasi siya ng BL series na kapareha niya si Jerome Ponce titled Ben X Jim na naging successful nang ipalabas ito sa Regal Entertainment Channel. “Nung sinyut namin ito, kasagsagan ng Ben X Jim. ‘Yun ang isa sa reason kung bakit ako kinuha rito. Hindi naman ito ginawa ngayon, matagal na namin itong sinyut. Happy ako na finally ay mapapanood na ang pelikulang pinaghirapan namin.”

Pero siyempre, ayaw naman ni Teejay na puro ganoon na lang ang gagampananan niya, na ang kapareha ay kapwa niya aktor. Kaya natutuwa siya na sa serye nila na Makiling, na napapanood sa GMA 7 ay lalaki ang role niya. Bukod sa ‘Pinas ay may career din sa Indonesia si Teejay. Nakagawa na rin siya roon ng mga serye. Kaya kilalang-kilala na rin siya roon. “Swerte ko lang po, nakasama ko sa teleserye ‘yung mga Superstars sa Indonesia. Malalaking artista po talaga ‘yung nakakatrabaho ko run. I’m just so thankful na ‘yung Meteor Garden version ng Indonesia, ay nakasama ako. So naangat po talaga ‘yung pangalan ko nu’ng napasama ako roon. Sobrang thankful po ako sa management ko roon.”

Natutuwa si Teejay na naging ka-close niya ang mga sikat na aktor na nakakatrabaho niya sa Insdonesia. “Yung mga nakasama ko po sa Meteor Garden, sila po ‘yung mga naging ka-close ko. Tinatanong nga nila ako,’kelan ka babalik dito? Trabaho tayo ulit’. Sabi ko, ‘sige, tatapusin ko lang ‘yung mga trabaho ko rito’. Nakikita naman nila ‘yung mga post ko, eh. Open naman ako sa social media, na may mga ginagawa ako rito. So they’re happy na ‘yung dating sinasabi nila na ‘ba’t sa Pilipinas konti lang yung projet mo’. Now, nakikita nila na nagkaka-project ako,” sabi pa ng magaling at gwapong aktor. Kabi-kabila nga ang mga proyekto ngayon ni Teejay sa ‘Pinas, hindi siya nababakante, mapa-telebisyon man o pelikula. Kaya hindi pa niya magawang bumalik sa Indonesia. Pero ayon sa kanya, pwedeng -pwede pa rin siyang gumawa ng project sa nasabing bansa. “Mayroon pa pong pag-asa na bumalik at bumalik ako roon. Hindi pa naman po nila isinasara ang pinto para sa akin. Lagi pa rin po akong welcome roon,”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *