habang sila pa ni Kim Chiu last year? XIAN LIM, MAY IBA PANG KARELASYON NA ISANG PRODUCER?

habang sila pa ni Kim Chiu last year? XIAN LIM, MAY IBA PANG KARELASYON NA ISANG PRODUCER?

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.

KAHIT idineklara ng mag-ex na sina Kim Chiu at Xian Lim na sila’y hiwalay na (last December 23,2023), tila may kirot pa ring nararamdaman at di pa 100% na naka-move on ang It’s Showtime host na si Kim, lalo na’t kaaga-aga pa’y may viral na chismis na may kapalit na pala siya sa puso ni Xian ang dati nitong karelasyon. Sa Isang viral post ng Isang motor riding school, spotted na màgkasama sina Irish Lee, film producer ng “Hello, Universe”, kung saa’y si Xian ang director . Sa photo,makikitang magkaakbay at magka-holding hands ang dalawa. Ang nasabing larawan ay in-upload ng Watanabe Riding Development last February 13, 2024 sa Facebook at doo’y kàsama nina Irish at Xian si JK Labajo with his rumored gf Dia Mate.

Ayon sa caption. “Tuesday class!WRD Riding School! Track days.” Maraming netizens din ang nag-tag kay Kim , kaya’t nagulantang din ang Showtime host dahil may kapalit na agad siya sa puso ni Xian? Wala pa namang kumpirmasyon na si Irish na nga ang bagong gf ng binata subali’t hinala ng iba sila na nga, “Action speaks louder than words” anila Sa comments section, sabi ni Elena Poblete, “producer pala gusto niya,di actress.” Sey naman ni Vano Nacneviug, “Totoong gf niya cguro yang si Iris kasi nakahawak yung kamay ng babae kay Xian.” Pakiwari ng iba, 2023 pa lang, may something na ang dalawa dahil noong May, 2023, nag-post si Iris ng larawan nila ni Xian habang nasa shooting ng Hello Universe kung saa’y bida si Janno Gibbs at si Xian ang nagdirek. Sa caption ng photo, “Top 1 in Netflix for an entire week! Congrats po ulit Direk @xuabkimm @janniogibbs and to our whole cast and crew.”

No description available.

JOSHUA GARCIA, DA MOVES SA ASAP

BIHIRANG pagkakataon na makitang humahataw sa sayaw sa ASAP Natin ‘To stage ang actor-influencer na si Joshua Garcia. Kaya’t matutuwa ang madlang pipol sa inihandang pasabog ng Kapamilya hearthrob this February 18, Sunday, 12 nn sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5. Makakasama ni Joshua sa ASAP stage Sina AC Bonifacio,Shaina Magdayao, Jameson Blake, Jeremy G, Aljon Mendoza at Edward Barber. May ala-ASAP concert din ang selebrasyon ng ika-41th year ni Zsa Zsa Padilla sa stage kasama ang mga OPM divas na sina Moira Dela Torre, Yeng Constantino, Bituin Escalante, at Frenchie Dy. Abangan din ang Rivermaya reunion fever ,an all-star tribute from Martin Nievera, Ogie Alcasid, Eric Santos, Vina Morales, Regine Velasquez, Nina at buong ASAP Kapamilya. Plus ang tapatan ng ASAP champions nina Bugoy Drilon, Lyka Estrella, Klarisse de Guzman, Reiven Umali, Khimo Gumatay, Fana, Marielle Montellano, JM Dela Cerna, Katrina Velarde at ang Tawag ng Tanghalan season 7 grand winner Rea Gen

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *