after the renewal of vow…. HEART EVANGELISTA, TULOY PA RIN ANG LABAN SA PANGARAP NA MAGING ISANG INA

after the renewal of vow…. HEART EVANGELISTA, TULOY PA RIN ANG LABAN SA PANGARAP NA MAGING ISANG INA

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO loan deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

Sa naging one-on-one interview ni Boy Abunda kay Heart Evangelista ay naging emosyonal ang actress dahil napag-usapan ang tungkol sa pangarap niyang magbuntis at magkaroon ng anak. Matatandaang dalawang beses nagkaroon ng aborted pregnancy si Heart na labis niyang dinamdam at iniyakan. Matagal-tagal din siyang dinamdam ang pagkawala ng kambal sanang magiging anak nila ni Senator Chiz Escudero. Maging si Senator Chiz ay hanghinayang at nalungkot sa pagkawala sana ng kambal nilang anak ni Heart. Pero hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa na, one day ay magkakaroon din sila ng anak ng actress.

Lagi nilang hinihiling na mabiyayaan sila ng anak ngunit sa ngayon ay abala si Heart sa kanyang pagdalo sa mga fashion event sa Paris at New York. Napagtanto ni Heart na may dahilan pala ang hindi pagkatuloy ng kanyang pregnancy. Kung natuloy ang kanyang pagbubuntis ay tiyak na unang priority nila ng mister ay ang kanilang kambal at hindi matuloy ang pangarap na ma-penetrate ang prestiqious fashion events sa abroad. Tila hinayaan muna ng tadhana na matupad ni Heart ang hiling na makilala sa fashion world. Maging matagumpay sa larangan ng fashion at mas lumawak pa kanyang kasikatan kaya naman kinuha siyang endorser and model ng mga sikat na luxury brands gaya ng Christian Dior. Louis Viton. Chanel at iba pa. Maging ang kanyang mga endorsement ay mas dumami pa. Pero sa lahat ng tagumpay na dinaranas niya bilang isang sikat na fashion model at endorser ay hindi pa rin nawawala ang pangarap ang pagkakaroon ng sariling anak na balang araw ay ibibigay rin sa kanya ng panahon.

Ayon kay Heart ayaw na niyang magpa-pressure sa mga taong nangungulit na laging nagtatanong tungkol sa kanyang pagbubuntis. May followers naman si Heart na nagtanong kung kailan siya magbibigay ng bonggang party bilang celebrasyon sa pagiging top fashion model. Ang pangako lang ni Heart kapag nagka-baby na sila ni Senator Chiz, isang malaking party ang tiyak na magaganap. Samantalang masayang ipinagdiwang ni Heart ang kanyang 39th birthday last February 14. “May heart is full,” say ni Heart.

Heart has every reason to be happy dahil inaani na niya ngayon ang fruits of her labor and sactifices. Dahil nga walang duda na matatawag na siyang international fashion influencer that has generated million dollars to the brands she endorsers. Ipinost naman ni Heart sa kanyang Instagram Story ang ilang kaganapan sa kanyang birthday celebration sa Balesin Islandat kabilang na rito ang natanggap niyang large diamond ring na bigay sa kanya ng mster na si Senator Chiz. Last February 15 naman ginanap ang renewal of vows nina Heart at Chiz. 2Ipinagdiriwang din nila ang kanilang 9th wedding anniversary.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *