ANNE CURTIS, MAY ESPESYAL NA PUTAHE MULA SA ASAWA

ANNE CURTIS, MAY ESPESYAL NA PUTAHE MULA SA ASAWA

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

SA kanyang pangako na ipagdiriwang ang kanyang birthday celebration sa Its Showtime itong si Anne Curtis ay may hinandang espesyal na paboritong putahe ang kanyang mister na si Erwan Heussaff, ang kanyang laging hinihiling na ipagluto ng menudong may madaming halong Capsicum o Bell Pepper. Kaya itong si mister ay gumawa pa ng video sa YouTube kung paano nya ito ihanda sa kanyang super kikay na misis. Si Anne Curtis mismo ang nag-voice over kaya tuwang tuwa ang nakapanood sa kanilang cooking show, na sure matatakam ang lahat ng mahilig sa Pinoy recipe.

Kung naalala ng mga madlang pipol last year naman ang trip ng inyong original kabogera ay ang pancit canton na may twist as in pinalagyan ng madaming cheese ang pansit. Kaya naloka ang mga fans dahil ginawang Spaghetti Canton ni Erwann ang nasabing isa sa mga paboritong kainin ni Anne, pati na rin ng kanilang only daughter na si Dahlia. Heto nga sa kanyang noontime show na inabangan ng madaming tagasubaybay ng kanyang pasabog ay talagang excited na audience na karamihan ay fans club ng host, at kasamahan nitong buong tropang showhost na naghanda para lalong umingay at mapasaya ang buong madlang sambayanan. Na kung saan ay si Anne Curtis lang ang makakapagbigay ng happy feeling sa mga audience.

No description available.

TSINOY DOMINATION SA KAPUSO NETWORK

MARAMI na ang nakakapansin na dominated ng mga Kapusong tsinoy o may halong dugong Chinese ang mga artista ng GMA network. Katulad na lamang nina Xian Lim, na may teleseryeng Love.Die.Repeat na kasama si Jennilyn Mercado, umaarangkada ngayon sa ratings pagkatapos ng sangkatutak na delays nito. Dahil hinintay pa si Jen manganak, kaya ang resulta ay swak sa kanilang tambalan lalo pa inabot na ng breakup itong si Xian Lim kay Kim Chiu. Na pinag uusapan ng mga marites hangang sa ngayon kaya lalong lumakas ang kanilang teleserye.

ISA pa sa mga tsinitong artista na sumikat ay ang Pambansang Ginoo si David Licauco na biglang instant hit ng maging leading man ito sa nagpatumba ng lahat ng ratings sa telebisyon noong 2023 ang Maria Clara At Ibarra na hangang sa ngayon ay no.1 pa ito sa netflix. Nasa Kamuning Network din si Richard Yap na isang A lister celebrity na mula pa sa Kapamilya station. Tuloy tuloy din ang paghataw nito sa kanyang karir lalo na madaming tagahanga ito na sa hanggang ngayon ay sinusuportahan pa rin ng mga nagmamahal sa kanya. Kung may pang leading man ay may pang millenials naman na tsinoy homegrown talents din ang GMA katulad ni Ken Chan, na umani ng mga parangal sa kanyang mga pinagbidahan sa Kapuso shows katulad ng My Special Tatay at Destiny Rose, ang original Starstruck na si Mike Tan na sa hanggang ngayon ay may mga programa pa din sa Kapuso network at ang latest upcoming artist nito na sina Kimson Tan ng Black Rider at Radson Flores ng Voltes V na may lahing intsik. kaya masasabi mong homebase na ng mga tsekwa ang Kamuning Station dahil sa nagkalat ang lahi ni Limahong sa naturang istasyon.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *