PINOY IMPERSONATOR NI TAYLOR SWIFT, PATOK NA PATOK NG MAKIPAGSABAYAN NG CONCERT

PINOY IMPERSONATOR NI TAYLOR SWIFT, PATOK NA PATOK NG MAKIPAGSABAYAN NG CONCERT

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'

No description available.
No description available.

Kahit saan pa ng panig ng mundo ay talagang nakakaproud ang mga Pinoy lalo na umiingay ang drag queen/gay impersonator ni Taylor Swift na si Taylor Sheesh, isang die hard swifties.

Ginagaya nito ang kanyang idolo kaya kahit sa concert nito sa Australia ay sinundan pa nito si Taylor Swift. At di nagpatalbog ang lolah mo nagpa concert din ito ng walang payola as in libre lang sa lahat ng di nakapasok sa loob ng totoong Taylor Swift, dahil nagkaubusan na ng tiket sa Melbourne, Australia. Madaming mga Aussie at ibang lahi katulad ng Indian, Pinoy, Chinese at iba pa ang lumipat at naglakad sa palibreng konserto ng drag queen kahit pa 15 to 20 kilometro ang layo nito sa venue ng totoong Taylor Swift.

Maliban sa kanyang pagpapasaya sa mga Australyanong nanuod ay naimbitahan naman sa isang tv program itong si Mac Coronel a.k.a Taylor Sheesh sa Today at nagkwento kung paano siya kinuha na mag Error Tour sa Australia at Singapore kung saan nga ay nagtour ng Eros concert si Taylor Swift. Sumikat si Taylor Sheesh sa tiktok dito sa Pilipinas at lalo itong sinuportahan ng mga kababayan natin ng di napasama sa listahan ang bansa sa pagkonsert ni Taylor Swift, kaya nakilala itong impersonator.

Spotted ang mga celebrity na sina Kathryn Bernardo sa Melbourne kasama ang mga pamilya nito at si Anne Curtis na isa ding loyal fans ni Taylor Swift siniguro talaga ng Vivo ang makaupo si Anne Curtis sa harap ng stage lalo pa ito ang kanilang endorser ng phone kaya malamang napunta lahat ng tf nito sa ticket ng naturang concert. Di naman matawaran ang kasiyahan ng isang Anne Curtis dahil sa frontrow ang nakuhang upuan. Sa mga negatrons ng concert ni Taylor Sheesh isa lang ang masasabi ng mga nakapanuod ay malaking pasasalamat sa Australian organizer dahil di nila afford ang tiket at di naman sila binigo kahit lip sync lang ang alam ni Taylor Sheesh sa ngayon. Balak imbitahan ang kanyang alindog sa ibat ibang panig ng mundo kaya abangan na lang natin kung saan ang kanyang next gigs.

No description available.
No description available.

KANDIDATA PARA SA MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2024, PAKABOGAN

IPINAKILALA na ng Ms.Universe Philippines 2024 ang kanilang mga kandidata na maglalaban laban sa koronang pinag aagawan ng halos 70 kandidata, ang makapagpauwi ng ikalimang korona ng bansa sa Miss Universe na gaganapin sa bansang Mexico. Di maikakailang ang Mexico ay isa sa mga pinakamalakas sa Latin countries kung saan ay nag uwi na ito ng 3 korona na sina Lupita Jones noong 1991 na sinundan ni Ximena Navarrere noong 2010 kung saan ay naging 5th runner up si Venus Raj at dun na naging maswerte ang pilipinas sa isang dekada nito placement.

Huling naging Miss Universe ng Mexico ay si Andrea Meza nung 2020 pandemic era. Itong bansang Mexico pag opisyal venue ay minamalas ang pilipinas dahil lotlot di makapasok sa top 10 kaya sa ngayon palang ay malulupit na ang mga recycle na mga kandidata natin, karamihan ay resbakers katulad ng isa sa mga pinakamalakas ang Quezon Province na si Ahtisa Manalo na dating 1st runner up sa Ms International, Kris Tiffany Janson ng Cebu kung saan ay nakoronahan na din ito dati sa Bb.Pilipinas bilang Intercontinental na lumaban na din sa ibang bansa na runner up din sa naturang pageant.

Ang pambato ng Taguig na si Christi Mcgarry na di lang isa kundi pangalawang beses na lumaban sa abroad sa Intercontinental bilang 1st-runner up noong 2015, ang baguhang ala Ms. Universe Zozibini Tonzi from South Africa na si Alexie Brooks ng Iloilo at Baguio na si Justine Tarah Valencia na lumalatina ang awra sa pagrampa.

Kaya malamang ito ang pipiliin kung may taste ang mga judges maliban sa fresh ang byuti nito ay taglay ng Baguio ang katangian na magpapakabog sa lahat ng kandidata at malamang maging pang limang miss universe ng pilipinas ngayong 2024 sa Mexico.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *