Papa no shows pa rin…. MADER NI HEART EVANGELISTA, 9 NA TAON LATE SA KASAL NG ANAK

Papa no shows pa rin…. MADER NI HEART EVANGELISTA, 9 NA TAON LATE SA KASAL NG ANAK

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO ww deal Online BY: GERRY OCAMPO'

No description available.
No description available.
No description available.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Heart Evangelista ang recap video ng naganap na renewal of vows nila ni Senator Chiz Escudero last February 15 sa Balesin Island. Masasaksihan nga sa video ang ilang bahagi ng wedding, tulad ng paglalakad nila sa aisle at ang wedding vow speech nila kung saan kapwa sila naging emosyonal. Caption ni Heart sa video, “Wedding vows renewal recap! You`re my greatest blessing, my love @escuderochiz.” Heart wedding vow, “How my life would have been if you weren`t around? You`re not just a husband but the greatest angel there is. I sold my soul and you brought it back for me.” Wedding vow naman ni Chiz, “It`s been nearly a decade and we`ve been through a lot of highs, a lot of lows. Maraming masaya, minsan, may malungkot! There was a time that I wished and prayed to God. Hiniling ko na sana, yung bukas ko, maging ngayon na lang, yung ngayon ko, maging nakaraan na agad-agad. Sa araw na `to. Ibinigay at isinakatuparan ng Diyos yun.”

Makikita rin sa video na may moment din si Heart kasama ang kanyang mommy na si Cecilia Ongpauco na nagpahayag na masaya raw siya na finally ay nakadalo na siya sa kasal ng anak. Matatandaan kasi na hindi sila nakadalo ng mister na si Rey Ongpauco sa naganap na first wedding nina Heart at Chiz in year 2015. “I`m so happy for her. And I`m happier because I`m around to witness this. Finally,” say ng mother dear ni Heart. Sabi pa niya sa anak, “Finally. I arrived.” Sabi naman ni Heart, “She`s nine years late.” Na sinagot naman ng mother ni Heart, “But made it still.” May nagtanong naman sa comment section kung nasaan ang ama ni Heart na agad naman sinagot ng actress. “He is recovering,” sagot ni Heart. Matatandaang ang father din ni Heart na may sakit ang dahilan din kung bakit hindi nakadalo si Heart sa wedding ng kaibigan na si Lovi Poe last August, 2023. “My dad is in the hospital.” sagot ni Heart sa tanong ng netizen na nagtanong din noon bakit hindi siya nakadalo sa wedding ni Lovi.

Samantalang sa ngayon ay wala nang panahon si Heart sa mga basher dahil wala naman itong maitutulong sa kanyang personal life. Ang wish nga niya ay maging kumpleto na ang kaniyang pagka-babae sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling anak. Kapag nagka-baby nga raw sila ni Senator Chiz ay magpapa-party siya ng bonggang-bongga. Malaki rin ang paniwala ni Heart na lahat ng dumating sa kanyang buhay ay isang pagsubok lang. Lahat ng problema na danasin ng sinuman ay laging may lunas at umaasa siya na one day ay matutupad din ang lahat ng kanyang dalangin, lalo na ang pagkakaroon ng anak.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *