Hopefully true na para everybody happy…. SARAH GERONIMO AT MOMMY DIVINE NAGKAAYOS NA!

Hopefully true na para everybody happy…. SARAH GERONIMO AT MOMMY DIVINE NAGKAAYOS NA!

No description available.
No description available.
No description available.

HOW true na nagkabati na ang mag-inang Sarah Geronimo at Mommy Divine? Eto ngayon ang nagsi-circulate sa entertainment world. Ilan taon na rin kasing hindi nagkakaroon ng communication ang mag-ina mula nang magpakasal si Sarah kay Matteo Guidicelli. Sekreto ang pagpapakasal ng celebrity couple dahil hindi umano pabor si Mommy Divine sa actor. Nang malaman ni Mommy Divine ang sekreto ng pagpapakasal ay sumugod si Mommy Divine at doon ay nagkaroon ng commotion. Since then ay hindi na nagkakausap ang mag-ina. But she and her husband Matteo have expressed their hope that everything will be fine between them.Sa bawat okasyon ay hindi naman nakakalimot ang Popstar Royalty na magpaabot ng heartfelt message sa kanyang mga magulang maging nang mag-celebrate siya ng 20th anniversary sa showbiz.

Nito lang kamakailan sa programa ni Nanay Cristy Fermin na Showbiz Now Na sa YouTube ay may binahagi ang kanyang co-host na si Wendell Alvarez. Aniya, nagkabati na umano sina Sarah at Mommy Divine. Isang source umano ang nagparating sa kanya na last last January pa nagkaayos ang mag-ina. They talked and that started their reconciliation. Wendell also shared that Viva’s Boss Vic del Rosario became an instrument in the said reconciliation. Ani Wendell, “Ang alam ko lang nagkabati na silang dalawa nitong January. Kasi ang nag-ano yata ay si Vic del Rosario.” Dagdag naman ng batikang manunulat/TV host, si Boss Vic lang umano ang magiging tulay sa mag-ina when it comes to this matter because both Sarah and Mommy Divine respect him. Well, hopefully nga ay okey na sina Mommy Divine at Sarah. Samantala, regarding sa career ng singer/actress, kalalabas lang ng bagong single niyang My Mind with Billy Crawford. The Popstar Matutuloy na rin ang reunion movie nila ni John Lloyd Cruz. Naiinip na ang kanyang mga Popsters na muli siyang mapanood sa big screen.

No description available.

BLYTHE, UMUPO LANG MILYON AGAD ANG KATAPAT

VIRAL agad ang bagong TilTom video ng young actress na si Andrea Brillantes. Agad na nasa 3M views na ito. Wala lang naman ginawa si Blythe kundi ang magpakita ng dance move to the tune of Matikit sa Dilim nang nakaupo. Hangang-hanga ang kanyang followers sa kaakit-akit na ganda nito in a white jumper suit at nakalugay ang long hair. Komento ng netizens: “Iba talaga pag nasa tamang tao ka na kasi patagal nang patagal lalo kang gumaganda.” “@papikyleechari ang ganda naman ng babeee mo.” “Simple fit pero slayed pa rin.” “Hi Andrea nasasaktan din ba yung magaganda!?” “Look gorgeous in white.” Ang dami ring nagtatanong kung kelan daw ang part 2 ng Senior High?

No description available.

MARIS RACAL, PANALONG-PANALO KAY DRA. VICKI BELO

HINDI makapaniwala si Maris Racal na niregaluhan siya ng celebrity doctor na si Vicki Belo. Isa itong Chanel bag na first time nagkaroon ng young singer/actress. Hindi ito ang unang pagkakataong nagregalo si Dra.Vicki ng designer bag kay Maris. Ayon kay Maris, hindi niya akalaing magkakaroon siya ng ganoong brand sa para sa kanya umano ay ‘so expensive.’Guest si Maris sa vlog ni Dra. Vicki. Naikwento ni Maris sa vlog ng celebrity doctor ang love story nila ng boyfriend na si Rico Blanco habang nag-Binondo food trip sila. Walang pagsidlan ng kasiyahan ang Can’t buy me love actress nang matanggap ng bonggang Chanel bag mula kay Belo. Ani ng doktora, “Ako lang yung nagbibigay ng designer bags kay Maris.” hindi raw iyon ang unang pagkakataong niregaluhan niya ang aktres ng designer bag. “Oh my God isi-share ko ba to? Babe, sorry! First was Gucci then ito, Bottega,” saad ng girlfriend ng Rivermaya member. “Oh my God Doc, ang ganda! Naiiyak ako,” sa hindi inaasahang regalong natanggap. “Hindi ko ine-expect na magkaka-Chanel ako sa buhay ko… Swear! So expensive!” Ay, sana all! Dra. Vicki beke nemen hehehe.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *