JANICE DE BELEN, INAMIN NAGKAROON NG ISYU KAY SHARON CUNETA DAHIL KAY GABBY CONCEPCION

JANICE DE BELEN, INAMIN NAGKAROON NG ISYU KAY SHARON CUNETA DAHIL KAY GABBY CONCEPCION

May be an image of 1 person and text that says 'Showbiz PAMORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.com'
No description available.
No description available.

NAGING guest ni Snooky Serna sa kanyang YouTube channel si Janice de Bellen. At dito ay binalikan ni Janice ang paghingi ng tawad sa kanya noon ni Sharon Cuneta on national TV television at ang paghingi rin ng tawad, at pagso-sorry sa kanya ni Gabby. Pareho kasing naging bahagi ng buhay nina Janice at Sharon si Gabby. Unang nakarelasyon ni Gabby si Sharon. Nung naghiwalay sila, ang sumunod na naging girlfriend ng aktor ay si Janice. Pero naghiwalay din ang dalawa at nagkabalikan naman sina Sharon at Gabby at ikinasal sila. Pero after ilang taon ay naghiwalay din sila. Sumalang si Janice sa “Pick-a-Name” game at ang unang pangalan na nabunot niya ay si Sharon. Dito na nga niya naikuwento ang naging “past” nila ng Megastar.

Kwento ni Janice, “Siyempre, nagkaroon kami ng konting issue because of Gabby. Nu’ng natapos na rin kami ni Gabby (nag-break), parang tapos na rin yon. Pero okay naman kami (ni Sharon). I mean, we see each other, we’re fine, we’re okay, we have no problems. And I remember, si Sharon actually apologized on TV, na nahiya ako kasi parang feeling ko, sobrang liit na bagay para mag-apologize siya. But she did apologize. Na-appreciate ko yon. Pero nahiya ako doon kasi hindi ko alam kung bakit kailangan niyang mag-apologize, wala naman iyon. But, you know, we’re okay. We’re okay,” pagbabahagi pa ni Janice.

After Sharon, ang name naman ni Gabby ang nabunot ni Janice. Halatang naiilang ang aktres na mapag-usapan ang dating minamahal. Pero nilinaw niya na maayos ang breakup nila at friends pa rin sila until now ni Gabby. “Alam na natin yan. E, yan naman ang first love ko, di ba? It’s just nice because after all those years, Gabby and I are friends. Minsan pagkukuwentuhan namin yung past, lolokohin ko pa siya, and, you know, game na game siya. So, wala akong galit whatsoever kay Gabby because we’re friends, di ba? Okay kami. Walang drama. May closure and we’re really okay,” aniya pa. At ibinahagi na nga niya ang paghingi ng tawad sa kanya ni Gabby nang magtambal uli sila sa pelikulang Rosenda, na ipinalabas noong 1989.

No description available.
No description available.

hirap magmove-on….. LOLIT SOLIS, MAY PAYO PARA SA MGA KATHNIEL

AWARE si Lolit Solis na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on ang mga fan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa nangyaring hiwalayan nila. Kaya nag-share siya ng advice sa mga ito sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Ayon kay Manay Lolit, sana’y sumabay din ang mga fan sa pagmu-move on nina DJ at Kath para matahimik at maging kalmado na ang lahat. “Ewan ko ba, kung bakit parang ang hirap tanggapin ng followers nila na puwede ng magkanya kanyang lakad sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla,” ang panimulang mensahe ni Nanay Lolit sa kanyang Instagram post. Pagpapatuloy niya, “Puwede na noon so much in love sila, but puwede naman mag-fall out of love ka rin ‘di ba? Puwede that time ang mundo nila para sa kanilang dalawa lang, pero now nakita nila na puwede pala makakita din ng iba,” chika pa ng talent manager. Ang punto pa ni Nanay Lolit, mga bata pa sina Kathryn at Daniel kaya mag-enjoy na lang daw muna ang mga ito at mas bigyan ng focus ang kanilang showbiz career.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *