lagi kasing mean girl ang role… LIANNE VALENTIN, FEEL NAMAN MAAPI O MASAKTAN PERO DI PA KERING MAGPAKA-DARING

lagi kasing mean girl ang role… LIANNE VALENTIN, FEEL NAMAN MAAPI O MASAKTAN PERO DI PA KERING MAGPAKA-DARING

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

KINAMUHIAN noon ang karakter ni Lianne Valentin sa mga seryeng Apoy sa Langit at Royal Blood. Agaw-pansin din ang latest participation niya sa seryeng Lovers/Liars. Sa pelikula naman, napansin ang kanyang acting sa Cinemalaya movie na ML. After ML, muli siyang mapapanood sa pelikulang Apo Hapon: A Love Story kung saan ginagampanan niya ang third wheel sa pag-iibigan nina JC de Vera at Japanese actress na si Sakura Akiyoshi. Ani Lianne, hindi naman isyu sa kanya kung nalilinya siya sa kontrabida roles.

Gayunpaman, open din daw naman siya sa mga roles na inaapi o kinakawawa. “Ako naman po, nagpapasalamat po ako sa Sparkle, of course, sa GMA na binibigyan nila ako ng mga ganitong opportunity, and very happy with my role right now as kontrabida. Pero of course, hindi ko po kinu-close yung doors. I really wanna be challenged pa, and I really wanna try different roles,” aniya. “So, kung bibigyan po ako ng role na ako yung inaapi, ako yung kawawa, fully accepted po. Kasi gusto ko nga ng challenge, and gusto ko ma-experience yung iba’t ibang role na I think yun yung makakatulong sa akin for me to grow pa as an actress,” dugtong niya. Hindi rin daw siya makapaniwala na makakasama niya si JC de Vera na dati na niyang nakatrabaho noong child star pa siya ten years ago. “Actually, nakakatuwa nga kasi nakatrabaho ko na siya noon when I was still a child star, 10 years ago. Tapos, ang role pa namin, mag-ex. O di ba, how ironic?”, lahad niya.

Hirit pa niya, sa tunay na buhay ay di pa niya naranasang maging third party sa isang relasyon. Gayunpaman, na-experience na raw niya ang maipagpalit sa iba. “It’s part of growing up. Ang importante, may mga natututunan tayo sa bawat experience na nararanasan natin,” paliwanag niya. Pagkatapos maka-work ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa seryeng Royal Blood, bet daw naman niyang makatrabaho si Dennis Trillo na isa sa kanyang mga showbiz crushes. Sey pa niya, okey lang daw sa kanya ang sexy roles pero di raw niya kaya ang paghuhubad for now. Malaki rin daw ang paghanga niya sa mga gumagawa ng Girl Love o Boy Love series pero sa palagay niya ay hindi pa rin siya handa sa ganitong klase ng genre.

No description available.
No description available.

FUMIYA SANKAI, BIDA NA RIN

PAGKATAPOS magpakuwela sa pelikulang Mang Kepweng ay nag-lie low ang Pinoy Big Brother Season 8 housemate na si Fumiya Sankai. Nawala kasi siya sa sirkulasyon lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Ayon naman kay Fumiya, hindi raw naman siya totally naging inactive. Katunayan, nagpokus daw siya sa ibang proyekto at negosyo sa Japan. “When the pandemic happened in 2020, I returned to Japan. I had Japanese projects also. I acted also in Netflix series, Animals where I played the role of Shimada Sakutaro,” ani Fumiya. “I started my company business which is a coffee shop in Tokyo. The name of my coffee shop is Kape Tayo. We also serve kapeng barako sometimes,” dugtong niya. Gayunpaman, bumalik daw siya sa bansa dahil gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang naunsyaming acting career. “I returned to the Philippines because I want to start my career again. Acting is also my passion,” paliwanag niya.

Bukod sa clamor ng kanyang fans, na-miss din daw niya ang limelight. “My fans messaged me to go back to acting and so I did,” bulalas niya. “I miss everything in showbiz – taping, everything. Mahabang waiting and I love that. I’m happy to get the chance to work with another Japanese actress Sakura Akiyoshi, JC de Vera, Lianne Valentin, Nella Dizon at marami pang iba,” dugtong niya. Ang Apo Hapon ay kuwento ng paghahanap ng isang Japanese travel vlogger na si Mizuki sa kanyang lolo na si Kazuo Toyo. Magiging katuwang niya sa kanyang pagtuklas sa kanyang pinagmulan ang isang Pinoy historian na si Reyson.

Bukod kina JC at Sakura, tampok din sa pelikula sina Rico Barrera, Elora Españo, Jim Pebanco, Perla Bautista, Marcus Madrigal at Prince Clemente. Mula sa produksyon ng GK Productions at sa direksyon ni Joel Lamangan. At dahil first lead role, hindi naman ikinaila ni Fumiya na paminsan-minsan ay dinadaga siya. “I’m feeling nervous. But ako naman, I try to do my best,” esplika niya. Dagdag pa niya, masaya raw siya na nabigyan siya ng most challenging role sa kanyang entire acting career sa kanyang latest starrer. “This is serious acting. It’s a movie about war but also a love story. Actually medyo mahirap. Sanay kasi ako sa comedy so I learned the history. So, ito parang serious acting,” sey niya. Hirit pa niya, idolo rin daw niya ang kapwa produkto ng Bahay ni Kuya na si Ryan Bang na humahataw ang career sa Pilipinas. “Actually, Kuya Ryan is my idol. I want to follow his footsteps. He’s an inspiration to me,” saad niya. Kahit nagkasama na raw sila sa pelikulang Mang Kepweng, wish daw niya na muli silang magkasama sa isang proyekto.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *