MARK HERRAS, NAPAG-IIWANAN SA KANYANG SHOWBIZ CAREER

MARK HERRAS, NAPAG-IIWANAN SA KANYANG SHOWBIZ CAREER

May be an image of 1 person and text that says 'feri BETCH Email Add: lizbeth lizbeth1021@y ni: BETH GELENA'
No description available.
No description available.

GUEST ni Ogie Diaz si Mark Herras sa kanyang YouTube Channel kamakailan. Tanong ng batikang manunulat/talent manager/vlogger, kung masaya ba siya sa career niya ngayon!? Sa totoo lang mukhang napag-iiwanan na nga si Mark ng mga nakasabayan niya noon ng kanyang henerasyon. Katunayan, nakagawa rin naman siya ng sarili niyang pangalan lalo na sa pagsasayaw. Siya ang tinawag na bad boy ng dance floor dahil napakahusay niyang magsayaw.

Sa tanong ni Ogie, aniya, “Ito na lang ba yung worth ko?” na may halong lungkot ang mukha. “Kung i-assess mo yung career mo ngayon, masaya ka?” Wika niya, kung ang pagbabasehan daw ay ang mga nagawa niya ng nakaraan pa, masasabi niyang nagampanan naman daw niyang mabuti ang mga proyektong ginagawa. Pero, kung ngayon daw ang pagbabasehan sa nangyayari sa career niya, sagot ng aktor. “Itong nangyayari sa akin ngayon? Siyempre hindi. Kasi bine-base ko kasi yung ganitong… Ito na lang ba yung meron or pwedeng ibigay sa akin, or pwede kong gawin sa career ko? Bine-base ko dun sa mga huling ginawa kong trabaho ko, okay naman ako eh.”

Hindi naman daw niya sinasabing magaling siyang actor, pero naniniwala siyang nabibigyan niya ng justice ang bawat karakter na ibigay sa kanya lalo na kung antagonistic or kontrabida ang kanyang role. “Hindi ko sinasabing okay ako, pero based dun sa mga pagiging kontrabida, ganun ganun,” pakli pa niya. “Yun na lang ba yung worth ko bilang artisa?” aniya. “Kasi kung ito na lang, I mean may ibang options, di ba? I’ll try my luck sa kung anumang klaseng trabaho sa industriya.”

No description available.
No description available.
No description available.

MAX COLLINS, PINAG-IISIPAN ANG DIVORCE NILA NI PANCHO MAGNO

MAY plano nga bang diborsyohin ni Max Collins ang estranged husband na si Pancho Magno. Sa isang ambush interbyu kamakailan sa Kapuso aktres, inamin niyang pinag-iisipan pa niya kung magpa-file ng divoce para sa asawang si Pancho. Aniya, na-realize raw niya that marriage isn’t for everyone, pero dagdag niya, “Marriage doesn’t mean you really love each other.” Kaya naman natanong si Collins, ‘if divorce proceedings are already on the way. Negative ang kanyang sagot.. “It’s not active as of now. But soon; we already talked about it, that’s something we’re working on.” Though magkahiwalay silang mag-asawa, okay naman daw sila Pero, sinabi niyang, “Because I’m an American citizen, I’ll divorce.” Paliwanag niya, “Ako, I don’t believe in marriage. No, I’m sorry, I don’t. I mean, I don’t personally. I believe in marriage for everyone else. I think for me, I feel like hindi ‘yun ‘yung basehan of what love means to be married, no. You can still love each other and be together without being married,” “It’s really a commitment, so even if you are marrying each other, that doesn’t mean you’ll be together forever,” dagdag pa ng aktres. “We’re good, we’re great. It really works for us, very healthy, and we’re both happy and our son is very happy, so really it worked out for the best.” Si Max at Pancho ay kinasal December 11, 2017. May isa silang anak named Skye Anakin.

May be a graphic of 1 person and text that says 'Wally PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally58@yahoo.com peraltawally5'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *