SEN. BONG REVILLA, BALIK-PELIKULA AT PATI NA SA PARATING NA MMFF 2024

SEN. BONG REVILLA, BALIK-PELIKULA AT PATI NA SA PARATING NA MMFF 2024

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

BALIK-pelikula ang Titanic action star na si Senator Bong Revilla pagkatapos ng mahigit isang dekada ng pamamahinga. Ayon sa politician-actor, na-miss niya ang paggawa ng pelikula. Kaya naman, pinaghahandaan na raw niya ang shooting ng “Alyas Pogi 4”. “Nagwo-workout ako everyday. I have to keep my body in shape para handa tayo sa pagsabak sa stunts,” aniya. Ang nasabing pelikula ay ipo-produce ng Imus Productions na pag-aari ng kanilang pamilya at ididirehe ni Dondon Santos. “Nakausap ko na nga sila. Sabi ko, malaki ang gagastusin natin dito kasi ito iyong pagbabalik ng Imus Productions sa paggawa ng pelikula. Ito iyong pagbabalik ni Bong Revilla sa pelikula kaya kailangang paghandaan,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, ang ikaapat na installment daw ng nabanggit na pelikula ang pinili niyang comeback vehicle dahil matagal na niyang commitment ito. “Commitment ko na siya before. Noon ko pa sinasabing gagawin ko ‘yun pero hindi ko magawa-gawa. Before (2022) elections pa. Kaya ngayon, gagawin ko na,” bulalas niya. Marami ring requests, eh. Sabi nila, ‘gawin mo ‘yung Alyas Pogi. Kasi naka-1, 2, 3 na tayo do’n, so, pang-apat na ‘to,” dugtong niya. Hirit pa niya, ile-level up daw niya ang aksyon sa pelikula tulad ng pagle-level up ng mga maaaksyong eksena niya sa seryeng Walang Matinik na Pulis sa Matinik na Misis, season 2. Malaking bentahe rin daw na tapos na niya ang kanyang serye kaya may panahon na siya para makapag-pokus sa shooting ng pelikula. Kuwento pa niya, balak din niyang isali ang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2024 na hudyat ng kanyang pagbabalik sa filmfest ngayong taon. Ayaw pa namang i-reveal ng butihing senador kung sino ang kanyang magiging leading lady.

“Ia-announce na lang namin siya soon at pati na iyong cast ng pelikula,” deklara niya. Pagbibida pa niya, tuloy pa rin daw ang napag-uusapan nila nina Coco Martin at Lito Lapid na collaboration sa pelikula. “Baka next year na siya. Uunahin ko muna itong Alyas Pogi 4. Samantala, pinupuri ng netizens ang Kabitenyong mambabatas dahil sa pag-sponsor nito ng bill na “No Permit, No Exam” policy na malaking tulong sa mga maralitang mag-aaral. Ilan pa sa mga batas na naipasa ni Senador Bong ay ang ” Helmet Law” at “Kabalikat sa Pagtuturo Act.” Siya rin ang sponsor ng “Centenerians Act of 2016” na layuning palawakin pa at dagdagan ang mga benepisyo ng senior citizens.

No description available.
No description available.

DENNIS TRILLO, BET NA KAMUHIAN NG MGA MADLANG PIPOL

NAGING vocal si Dennis Trillo sa pagsagot sa ilang mga katanungang ibinato sa kanya sa episode na Ä Very Serious Interview ng GMA Network. Ayon sa magaling na actor, greatest achievement daw para sa kanya ang tumagal ng almost twenty years sa industriya. Di biro rin daw kasi ang hirap na pinagdaanan niya noong struggling artist pa siya. Katunayan, dumating daw siya sa punto noon na gusto na niyang i-give up ang kanyang career. Wala raw kasi siyang natatanggap na projects noon sa movies, television at maging sa commercials. Aniya, nakatulong daw na nag-attend siya ng workshops para magkaroon siya ng kaalaman sa larangang kanyang pinasok.

Dream role raw naman niya ay ang maging full-on kontrabida. Bet daw niya iyong kinamumuhian siya ng mga tao at iyong tipong pag nakita sa labas ay minumura. Ibig daw kasing sabihin noon ay effective siya bilang actor. Gusto rin daw kasi niya makita at ma-feel kung gaano ka-affected ang mga tao sa kanyang performance sa isang anti-hero role. Sa ngayon ay naghahanda na raw siya sa kanyang first international project na excited na siyang umpisahan. Tungkol naman sa maipapayo niya sa mga baguhan sa showbiz para magtagal, importante raw na mahal ng mga ito ang kanilang mga trabaho. Malaki rin daw na bagay na marunong silang rumespeto sa mga taong makakatrabaho.

May be a graphic of 1 person and text that says 'Wally PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally58@yahoo.com peraltawally5'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *