POKWANG, PINASARINGAN ANG EX-DYOWANG SI LEE O’BRIAN NG CHILD FINANCIAL SUPPORT

POKWANG, PINASARINGAN ANG EX-DYOWANG SI LEE O’BRIAN NG CHILD FINANCIAL SUPPORT

May be an image of 1 person and text that says 'Showbiz PAMORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.'
No description available.
No description available.

IBINAHAGI ni Pokwang ang isang video sa kanyang Instagram Story kung saan mapapanood ang nakakatuwang conversation nila ng 6-year-old na anak na si Malia. Sa simulang bahagi ng Instagram reel ng komedyana ay binati muna siya ni Malia ng pagkalambing-lambing sabay sabing, “Mama, I love you.” Na-touch naman siyempre si Pokwang at sinabihan din ang anak ng, “I love you, too.” Pero sa sumunod na dialogue ni Malia ay talagang na-shock si Pokey Sey kasi ng bagets, “And I don’t want you to get a boyfriend.” Sinagot ni Pokwang ang anak ng, “Huh! Why?” Dedma lang ang bata kaya inulit ng TV host ang tanong, “Why? Why?”

Sagot ni Malia sa kanyang nanay, “Because I saw it from my iPad, mom.” Natatawang chika ni Pokey, “Ano daw. Chururut bumblebee ka?” “No! You’re the one who’s being chururut bumblebee,” ang hirit ni Malia kay Pokey. Mababasa naman sa inilagay na caption ng Kapuso comedienne sa kanyang Instagram post, “Ayaw nya ako mag-boyfriend!!! Kasi nga yung ama kung siney siney na chaka ang ka-join hahahah. Don’t worry nak, ikaw at si ate lang ang priority ko. Pangako yan,” sey pa niya. Samantala, isa pang video ang ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram page kung saan tinatalakay naman ang tungkol sa isyu ng child support. Tinag pa niya ang kanyang ex-partner at tatay ni Malia na si Lee O’Brian. “Hoy @leeobrian party party at golf-golf lang? Gurl pakisabi diyan sa ex ko na new problem mo baka gusto niya magbigay ng support! ‘Di ‘yung panay lang landian n’yo!”

No description available.

SA pamamagitan ng X (dating Twitter), inihayag ni Teddy Corpuz ang kanyang saloobin at pinagsabihan ang haters na siniraan ang kanilang show na It’s Showtime. “Yung pinag-aaway niyo kami, pero bakit ‘di nalang tangkilikin parehas? Yes may competition… minsan talo, minsan panalo. Parehong gumagawa at nagnanais mapasaya kayo,” caption niya. Wika pa niya, “Kung ‘di ka masaya sa isa, eh ‘di dun ka sa kabila at ‘wag ka na lang manira.””Focus ka sa tv mo at ‘wag sa tv ng kalaban mo,” mensahe pa ni Teddy sa bashers O di ba,palaban na rin si Teddy?

May be a graphic of 1 person and text that says 'Wally PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally58@yahoo.com peraltawally5'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *