iniwan sa ere? DENISE LAUREL, TINANGGIHANG MAKA-COLLAB NG CONTENT CREATOR

iniwan sa ere? DENISE LAUREL, TINANGGIHANG MAKA-COLLAB NG CONTENT CREATOR

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

NAGING malaking kontrobersya noon ang pag-ayaw na maka-collab ng isang socmed personality sa actress turned public servant na si Aiko Melendez. Ngayon naman, ang pinakahuling biktima ay ang actress na si Denise Laurel. Sa isang TikTok video, naghimutok si Denise dahil umatras daw ang kausap niyang makaka-collab na hindi naman niya pinangalanan. Hirit pa niya, pinaghandaan pa naman daw niya ang nabanggit na collab to the point na gumastos na siya sa production team at makeup artist upang sa last minute ay ipakakansela ito. Hinaing niya: “Conceptualizing, clearing my schedule, calling my prod team, getting my make up done, only to get cancelled on right before the collab.”

Marami naman ang naka-relate sa hirap na pinagdaanan ng aktres. May nagsuhestyon pa na dapat daw ay may kontrata ang ganoong mga klase ng collaboration. Sey naman niya, simpleng collaboration lang daw ang kanyang naunsyaming deal. May nang-urot naman sa kanya kung ang tinutukoy niyang ka-collab ay ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. Nilinaw naman ni Denise na hindi ang dalawa ang umatras sa collab dahil hindi raw ito local artist ang kausap niya. Lp1May mga humula namang ang itinuturong culprit ng actress ay posibleng isang K pop artist o group.

No description available.

ITINALAGANG bagong Chairman at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang multi award-winning screenwriter at direktor na si Jose Javier Reyes Siya ang humalili sa puwestong nabakanteng ng aktor na si Tirso Cruz III na nagbitiw sa kanyang tungkulin dahil sa personal na kadahilanan. Si Reyes ay dating consultant at adviser ni Cruz nang mag-assume ang huli ng nasabing puwesto noong Hulyo, 2022. Si Direk Joey ay malawak na ang karanasan pagdating sa Philippine film industry. Siya ang Monitoring Chair ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Hindi rin matatawaran ang naging ambag niya sa paglinang ng sining ng pelikulang Pilipino. Ilan sa mga di makakalimutang obra na sinulat niya ang Oro, Plata, Mata, Condemned, Iisa Pa Lamang at Pahiram ng Isang Umaga. Bilang direktor, pinuri naman ng mga kritiko at tinangkilik ng publiko ang kanyang mga pelikulang May Minamahal, Batang PX, Live Show, Kung Ako Na Lang Sana, Radio Romance, Kasal, Kasali, Kasalo at marami pang iba.

May be a graphic of 1 person and text that says 'Wally PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally58@yahoo.com peraltawally5'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *