DINGDONG DANTES, DAHIL SA SOBRANG TUTOK SA PAMILYA, MGA INTRIGA DI UMUBRA

DINGDONG DANTES, DAHIL SA SOBRANG TUTOK SA PAMILYA, MGA INTRIGA DI UMUBRA

May be an image of 1 person, harp and text
No description available.
No description available.

MARAMI ang humahanga kay Dingdong Dantes dahil sa sobrang magaan niyang dinadala ang kanyang kasikatan na nadaan sa pagtitiyaga. Bukod sa mahusay siyang makisama ay consistent din ang kanyang ugali, na hindi siya mahilig pumatol at magpaapekto sa mga intriga na kanyang pinagdaanan sa mahabang panahon ng kanyang pag-aartista. Wala halos mairereklamo tungkol kay Dingdong. Kahit nananahimik ang bagong Box-office King ng showbiz, ay mayroon ding gumagawa ng intriga katulad ng paulit-ulit na tsismis na may inililihim siyang unang anak sa dati niyang ka-loveteam at nakarelasyon na si Antoinette Taus.

Mabuti na lang, sa tuwing nasa Pilipinas si Antoinette ay pilit niyang ipinapaliwanag na chismis lang iyon. Sabi ng magandang aktres, “There’s nothing wrong with that. My only point is, kung meron ako, I would be proud of my children and share it with the world. Nakakatawa nga, hindi lang daw isa. Kasi every time na babalik ako sa States, sinasabi nila, magkakaroon na naman daw ako ng anak.” Sa totoo lang din, isa sa hinahangaan ngayon tungkol kay Dingdong ay ang galing nito sa pagtutok sa kanyang pamilya. Hindi makakasingit ang intriga dahi napakasaya nila ni Marian Rivera at ng kanilang mga anak na sina Zia at Sixto Dantes.

No description available.
No description available.
No description available.

ALL OF ARA MINA

ISANG mabuting halimbawa si Ara Mina ng mga artista na magtatagal sa showbiz, at iyon ang patuloy na pinanghahawakan ng magandang aktres. Una rin sa ugali niya ang pagdamay at mabuting pakikisama sa mga kapwa niya artista. Hindi showbiz ang ugali ni Ara. Natural din sa kanya ang pagtulong sa kapwa niya artistang mga nangangailangan. Sa katunayan, mayroon siya dating itinatag na Foundation, dahil ang layunin niya noon ay puwede siyang makatulong sa kanyang kapwa kahit na hindi siya pulitiko. Kaya minsan, may mga taong nagbabanggit ng pangalan niya at nagsasabing sila ay natulungan ni Ara. Ipinagsasaya ni Ara ang pagpapatuloy ng kanyang showbiz career. Sa katunayan, magkakaroon siya ng bagong concert, ang “Ara Mina… All Of Me” (A 30th Anniversary Concert) na gaganapin sa May 7, 2024 Tuesday 8-PM sa Newport Performing Arts Theater.

No description available.

STORY WRITER NG MOVIE NA ‘T-BIRD AT AKO’, IBANG BIDA ANG BET SA REMAKE

MULING nabubuhay ang isyu tungkol sa pagsasapelikula ng bagong bersiyon ng “T-Bird At Ako” na noon ay bonggang pinagsamahan ng Superstar na si Nora Aunor at ng Star for All Seasons na si Vilma Santos. Blockbuster iyon sa takilya noon, kaya hindi nawawala sa kamalayan ng mga taga-showbiz. Sabi nila, sa bagong bersiyon ng movie ay bagay gumanap sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre. Nakausap namin si Portia Ylagan, ang dating magazine editor na nag-artista din dati. Si Portia ang original na sumulat ng kuwento ng “T-Bird At Ako” nina Nora at Vilma na idinirek ng yumaong movie director na si Danny Zialcita. Walang pagkontra si Portia kung sina Kathryn at Nadine ang napipisil na mga bagong gaganap sa nasabing project. Pero kung si Portia daw ang tatanungin at masusunod ay sina Bea Alonzo at Rio Locsin ang maging bida sa bagong “T-Bird At Ako”. Kapag mayroong kumausap sa akin, naka-ready naman ako sa aking bagong kuwento tungkol sa part two ng movie,” banggit pa ni Portia.

May be a graphic of 1 person and text that says 'Wally PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally58@yahoo.com peraltawally5'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *