Box-office Entertainment Award 2024…. VILMA SANTOS, FILM ACTRESS OF THE YEAR

Box-office Entertainment Award 2024…. VILMA SANTOS, FILM ACTRESS OF THE YEAR

May be an image of 1 person, harp and text
May be an image of 1 person, smiling and eyeglasses
May be an image of 1 person

NAGPAPATULOY ang ingay ng pagbabalik ni Vilma Santos sa showbiz pagkatapos ng kanyang pamamahinga sa pulitika. Mahal talaga ng movie industry ang premyadong aktres, dahil sa pamamagitan ng pelikulang ginawa niya noong kabilang taon ay muli na namang dumagsa ang mga alok para gumawa siya ng mga bagong proyekto. Sunud-sunod din ang mga parangal na ipinagkakaloob sa kanya.Ang Star for All Seasons ay gagawaran ng karangalan bilang Film Actress Of The Year sa gaganaping Box-office Entertainment Award 2024 (May 12, 2024 6-PM Henry Lee Theater, Ateneo De Manila University) dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang “When I Met You In Tokyo” at Special Award na Box-office Iconic Stars Of Philippine Movies na ipagkakaloob sa kanila ng kaparehang si Christopher de Leon.

Sa kabila ng nagpapatuloy niyang tagumpay sa showbiz, ay hangad na lang ni Vilma na makagawa siya ng kahit isang pelikula sa loob ng isang taon. Tapos na siya sa panahon na kaliwa’t kanan sa dami ang ginagawa niyang pelikula. Umabot man ng mahigit na anim na dekada ang kanyang pagiging artista ay wala siyang pagsisisi o panghihinayang sa panahon dahil 9 anyos siyang nagsimulang mag-artista, at walang pumilit sa kanya dahil hilig niya.Pinangarap lang noon ni Vilma na umarte at maipakita ang kanyang talento. Hindi niya inakala, na sisikat siya kasunod ng popularidad noon nina yumaong Susan Roces at Amalia Fuentes. Masaya si Vilma na abalang nag-aartista at maraming pelikula. Hindi niya iniisip ang kumpitisyon. Sa showbiz, ang publiko, ang mga tagahanga ang lumikha ng mga pagkukumpara at kumpitisyon. Kaya nagsimula ang rivalry nila noon ng Superstar na si Nora Aunor. Hindi rin pinangarap ni Vilma na siya ay magiging public servant.

Pero naging Mayor siya, Governor at Congresswoman sa probinsiya ng Batangas. Kung sanay si Vi sa mga intriga sa showbiz, ay mas lalo siyang naging matibay sa mga intriga, dahil mas matindi ang intriga sa larangan ng pulitika.Si Vilma ang lumaki at nanggaling sa isang simple at masayang pamilya. Kaya nang magsimula ang kanyang tagumpay sa showbiz, ay hindi niya kinalimutan ang kanyang pamilya, noon hanggang ngayon. Maraming kaibigan sa showbiz ang premyadong aktres, pero silang magkakapatid ay laging masayang magkakasama. Malalim ang pagpapahalaga ni Vi sa kanilang pamilya. Kaibigan din ang turing niya sa kanyang mga kapatid at maigting ang samahan.Naging malaking artista si Vilma sa showbiz. Kaya nang magpakasal siya noon sa unang husband na si Edu Manzano at magkahiwlay sila, ay inisip ni Vi na baka dahil sa kanyang kasikatan ay nagkulang siya ng pagpapalaki sa panganay niyang anak na si Luis Manzano.

Pero nang maikasal si Vilma kay Senator Ralph Recto at ipanganak at magbinata ang kanilang anak na si Ryan Christian Recto, habang binata at sikat nang TV host si Luis, ay doon nakumpirma, na siya kahit sikat na aktres na naging public servant, ay nagkaroon ng mga huwaran at mga mababait na anak. Parang musika sa pandinig ni Vilma ang mga papuring sinasabi ng mga taong lumalapit sa kanya, na nagsasabing mababait na anak sina Luis at Ryan sa pakikisalamuha nila sa ibang tao.

May be an image of 2 people, people smiling and text that says 'Luis Manzano & Ryan Christian Recto'
May be an image of 4 people and text that says 'Ryan Christian Recto, RyanChristanRecto,VIiaSantos, O, Vilma Santos, Luis Manzano & Boy Abunda'

MAGKAPATID NA LUIS MANZANO AT RYAN CHRISTIAN RECTO, MAGSASAMA SA ISANG SHOW

BILANG panganay na anak, si Luis Manzano ay maagang namulat na hindi lang basta isang abalang artista ang kanyang mommy. Dahil noon pa man ay nadidinig niya sa mga sinsabi ng mga tao sa kanyang kapaligiran na ang pangalang Vilma Santos ay may malaking pangalan sa showbiz, na sa taas ng talent fee bilang artista ay sumusunod noon kina yumaong Comedy King Dolphy at Action King na si Fernando Poe, Jr.Sobrang tanggap ni Luis ang sitwasyon ng kanyang mommy bilang abalang artista sa panahong lumalaki na siya. Para sa kanya, si Vilma bilang mommy ay hindi niya iniisip na nagkulang ng panahon sa pagpapalaki sa kanya. Dahil anuman daw ang lahat nang ginawa ng kanyang mommy na kaabalahan sa career, iyon ay ginawa nito para sa kanilang lahat na pamilya ng premyadong aktres.Sina Vilma, Luis at Ryan Christian ay unang mga sasalang bilang guests who will appear on Boy Abunda’s TV Special, “My Mother, My Story”. The Special focuses on the life of Luis Manzano bilang isang anak na isinilang sa mundo kung kailan at kung saan pagmamay-ari ang kanyang ina ng publiko. Vilma calls herself a “public property”.”My Mother, My Story” will debut on Mother’s Day on May 12, 2024.

May be an image of 1 person and text that says 'Wally W PERALTA E ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *