THE NEW JANE DE LEON

THE NEW JANE DE LEON

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN!! BY: GLENN REVILLA Email add: :glenn.revilla@gmail.com'
May be an image of 1 person and text that says 'A lalo alo-H H OU Ha JanedeLeon Jane de Leon'
May be an image of 1 person, drink and text that says 'Jane neLeon ಕೇ Leon'

SA latest guest appearance ni Jane de leon ay di mo na makilala sa pagbabago ng kanyang mukha. Kaya madami ang nagtataka kung bakit pa nito ‘nagpapasalamat dok’ kung maganda naman ito at madaming offers naman sa kanya na maging bida sa mga TV o film pati na sa commercial?Di kaya nakukukalangan pa si Jane de Leon sa taglay niyang kagandahan mukhang ala birhen sa ibang mga naging past Darna?Kaya ba sa kanyang paghataw at pagkanta sa ay dedma lang ang mga nanuod? Di nga halos makilala ng mga madlang pipol itong aktres kaya yung nakakilala sa kanya ay parang nagulat din sa kanyang appearance. Sana di nalang nagparetoke para nga naman di ito mapuna ng mga netizen na panay ang sabi na mas maganda pa ito dating Jane de Leon kaya nawala na ang original byuti ng aktres. Kaya di mo na makilala kung makikita ito ng kanyang mga tagahanga.

May be an image of 1 person and text that says 'Miss Universe 2023 Sheynnis Palacos'
May be an image of 1 person and text

sa sobrang warm welcome sa beauty queenMISS UNIVERSE SHEYNNIS PALACIOS, NAPAIYAK

Iyakan ang nangyaring Homecoming Parade ng Nicaraguan Miss Universe na si Sheynnis Palacios sa Mall of Asia kung saan nga ay dinagsa at pinagkaguluhan ito ng mga taong gustong masilayan ang Latinang nag uwi ng kauna unahang korona sa kanyang bansang Nicaragua. Di na inalintana ng mga kababayan natin ang init at singaw ng galing sa araw sa paghihintay sa Miss Universe pumila at nagtyagang maghintay ang mga ito sa paligid ng mall.Di naman sila binigo ng ng beauty queen dahil fresh na fresh ang beauty nito sa huling araw dito sa kanyang Philippine tour na dinaluhan ang mga ibat ibang aktibidad katulad ng photoshoot, commercial at charitable events. KAYA kahit pagod na pagod sa kanyang schedule ay enjoy pa din ito lalo na sa pagkaing pinoy na walang pinagkaiba sa kanyang nilakihang bansa.Sa kanyang natikman ang beef mechado ang kanyang napusuan at nasarapan pati na din ang halo halo na talagang nilantakan nito dahil sa kakaibang dessert ayon kay Sheynnis.Sa kanyang paradang naganap kanina sa MOA ay talagang humagulhol ito ng todo todo naramdaman nito ang pagmamahal ng mga Pinoy sa kanya kaya kahit di ito nakauwi sa homecoming sa bansang Nicaragua kung saan ban ang reyna dahil sa politika ay masaya na din ito at natupad dito sa Pilipinas ang inaasam ng beauty queen. Kahit paano ay naisakatuparan ang dapat iparangal sa kanya bilang Miss Universe 2023.Ipapasa ni Sheynnis ang kanyang korona sa Nobyembre sa bansang Mexico kaya excited na ito sa magiging resulta kung sino ang susunod sa kanyang yapak .

May be an image of 1 person and text
May be an image of 1 person

ANNE CURTIS, PINILIT KUMANTA SA ISANG OUT OF TOWN SHOW, PARA UMULAN

BIDANG bida ang Kapamilya sa kanilang full force show sa Pampanga kung saan nga ay inabangan si Meme Vice Ganda at buong madlang pipol ng Its Showtime, pati na din ang inaabangang bagong show na High Street. Niyanig ng mga Kapamilya stars ang mga kapampangang kababayan nating loyal sa Dos. Kahit pa nasa Pampanga ang sentro ng heat wave ay talagang sumugod at walang paki ang mga ito basta makapiling at makasama ang nagpapakabog sa kanilang tanghalian.Lalong sumiklab ang sigawan at hiyawan ng makita ang kabogerang diosang si Anne Curtis na gustong pakantahin ng mga madlang kapamilya pero umayaw ito baka nga daw umulan pabirong sabi ni Anne Curtis,u”Dati ayaw nyo akong marinig kumanta, pwes sa ngayon na kailangan nyo ako para umulan ay di nyo ako mapipilit kahit magmakaawa kayo di ako kakanta.”Lalong naging parang pista ang SM Pampanga sa dami ng tao umaga palang ay nag-abang na ang mga ito sa Kapamilya caravan na sinulit naman ang kanilang paghihintay sa kanilang handog na concert at pagpatawa sa mga sabik na makita ang mga host ng Its Showtime kaya bago pa ang show ay nag ikot at nag motorcade na ang mga VIP celebrity sa kapitolyo at bumisita sa mga opisyal ng Pampanga.Di naman nagpahuli ang bida ng High Street na si Andrea Brilliantes na todo todo ang kanyang energy para sa kanyang mga tagahanga sa Pampanga kung saan ay game na game ang aktres nakisaya sa mga kapamilya. Isa ito pinakamalaking kaganapan ngayon sa probinsya kaya sa laki ng pasasalamat ng mga opisyal at kababayan nating kapampangan ay binusog at binigyan ng mga pasalubong sa pag uwi ang mga host at artista na galing sa kanilang puso. Kaya lalong lumakas ang ratings sa latest survey nito di na magtatagal ang Its Showtime na ang tanghaling No.1 noontime sa kasaysayan ng telibisyon dahil nag uunahan na ang mga advertiser at sponsors para makapag plug sa kanilang programa.

May be an image of 1 person and text that says 'Wally W PERALTA E ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *