THE OLD SCHOOL SIDE OF PAULO AVELINO

THE OLD SCHOOL SIDE OF PAULO AVELINO

May be an image of 1 person and text that says 'Showbiz PAMOR ORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: :rommelplacente530@yahoo.com'
May be an image of 1 person and text that says 'PauloAvelno Paule Avelino ino'

NAKAKATUWA naman SI Paulo Avelino. Hindi siya materialistic. Hindi niya sinasamantala ang mga fan niya na nagbibigay ng mga regalo sa kanya. Bagamat naa-appreciate niya ang gesture na iyon ng fans, very vocal naman niyang sinabi sa kanyang mga tagasubaybay na mas preferred niya ang mga sulat kesa mga materyal na bagay.Sey niya sa kanyang mga fan sa X: “Hello, I’m grateful for the material gifts given to me, but as much as I appreciate the gifts and the effort, please stop giving me gifts. I’ve said this before: I prefer handwritten letters rather than luxurious stuff. I hope people understand and don’t get the wrong impression here.”Sey pa niya, mas pinahahalagahan daw niya ang mga sulat na natatanggap niya sa fans.”I keep all the letters given to me,” pahayag niya.Sa isang entertainment portal, samu’t-sari ang naging reaksyon ng kibitzers sa kanyang naging post.

Ito ang ilan sa kanilang komento.”I understand Paulo’s point. And his intentions are wonderful. Imagine how many fans that he has and if each of those would give him gifts, wala siyang mapaglalagyan na. It would clutter his home and it would be distasteful to throw or give away material belongings that were given to you. Masasayang lang kung hindi magagamit ni Paulo.””Kung letters naman mas pinag-iisipan iyon ng gumawa and can easily be kept by him.”” Mas okay nga yan. Atleast alam nating hindi buraot si Paulo Avelino.””I appreciate that Paulo took the time to say this. Mas maganda na ito kesa itatapon or kakalat or ipapamigay lang yung gift na hindi naman nya kailangan talaga. Cute nga that he appreciates letters more.”” dagdag pogi points nanaman kay Paulo.” tbh nakakatakot tumanggap ng gift from fans. ang dami issue sa South Korea na nilalagyan ng hidden cam yung mga regalo sa kanila or voice recorder.”” Pwes dahil dyan Paulo, susulat ako sayo”” Susulatan ko siyaaaaaaa kinilig ako sa sinabe niya na tinatago niya ung letters””Mas bet pala ni Paulo ang nilalambing ng sulat. Paging Kim.chinitaprincess, hanap niya ang lambing mo.”” Shy siya kaya old fashioned. “

May be an image of 1 person and text that says 'Elaudine ElaudineBarretto Barretto'
May be an image of 1 person and text that says 'Claudine ChaudineBarrei Baretto'

HANGGANG SIGAWAN AT WALANG SAKITAN, ANG MATINDING AWAY NOON NINA CLAUDINE BARRETTO AT RICO YAN

SA guesting ni Claudine Barretto sa vlog ni Ogie Diaz, inamin niya na magka-live in sila noon ng namayapang aktor na si Rico Yan at noong November 2001 nang hindi na maging maayos ang kanilang relasyon. Ito ay ilang buwan lang bago ang pagkamatay ni Rico noong March 2002. Nilinaw rin niya na hindi totoo ang balitang sinaktan siya noon ni Rico.“Hindi totoo na sinaktan ako ni Rico o naging violent siya. ‘Yun ang gusto kong iklaro. Never. Hindi naman siya perfect, hindi ako perfect. Nagsigawan kami pero hindi umabot sa nananakit. Hindi siya ganon,” paniniyak ni Claudine.Aniya, noong panahong namatay si Rico ay marami ang kumukondena sa kanya at sinisisi siya sa pagkamatay ng dating matinee idol.”Noong time na parang kinu-crucify at galit na galit ‘yung tao at sinasabi na pinagpalit ko si Rico, alam ng Diyos, mawala na lahat ng taong mahal ko pero never kong niloko si Rico,” umiiyak na sabi ni Claudine.Pagpapatuloy niya, “Kung ako ‘yung namatay, ganoon rin ba ang gagawin n’yo kay Rico? ‘Yun rin ba ang pagdaraanan niya? Kasi ayokong mapagdaanan n’ya yung napagdaanan ko.”At ang hindi raw alam ng mga tao, noon mga panahong panay ang sisi sa kanya ng madla ay sinisisi niya rin ang sarili sa mga nangyari.“During that time na sinasabi nila na kasalanan ko, ang hindi alam ng tao, ako rin, sinisisi ko rin ‘yung sarili ko,” lumuluhang sabi ni Claudine.

May be an image of 1 person and text that says 'Wally W PERALTA E ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *