LIZA SOBERANO, MAS KINAMPIHAN SI BEA ALONZO KAYSA SA DATING MANAGER NA SI OGIE DIAZ

LIZA SOBERANO, MAS KINAMPIHAN SI BEA ALONZO KAYSA SA DATING MANAGER NA SI OGIE DIAZ

Open photo

SA latest vlog ni Ogie Diaz nagbigay siya ng komento ukol sa pag repost di umano ni Liza Soberano sa kanyang account sa social media sa post pictures ni Bea Alonzo kaugnay sa isinampa nitong kaso sa Talent Manager Vlogger na si Ogie Diaz. Aniya karapatan daw ni Liza iyon dahil account niya yun, at di malinaw sa kanya kung bakit nirepost ni Liza ang post ni Bea sa pagdemanda nito sa dating manager sa pagkakaalam niya, ay wala naman daw silang samaan ng loob ng dating alaga at okey naman sila ani’ni Ogie Dagdag pa niya alam naman nilang dalawa na may pinagsamahan sila kaya’t kilala na nila ang isat isa Tanong tuloy ng maraming netizens may sama kaya ng loob si Liza sa dating manager na si Ogie Diaz? At pati tatay ng aktress na Liza ay nakisawsaw din sa pag repost nito sa post ni Bea Alonzo na may captions pang ‘Yess’ na lalong nagpaisip sa mga netizens na may sama rin ng loob ang tatay ni Liza Kay Ogie  Well sana mahingan din ng statement ang mag ama kung bakit kailangan nilang gawin iyon tungkol sa pag repost nila ng post ni Bea. Dumagsa at nagbigay naman ng pagsuporta ang maraming netizens na nagmamahal Kay Ogie lalo na ang ibang personalidad tulad Dr.Willie Ong, Erik Santos, Jenny Miller at aktress na si Claudine Barreto na kinamusta agad si Ogie at nag message ng pagsuporta.

MAG-INANG SHARON CUNETA AT KC CONCEPCION, MAY TAMPUHAN NA NAMAN?

UMUUSOK ngayon ang sigalot na namamagitan sa mag inang Sharon Cuneta at anak na si KC Concepcion at balitang di umano’y may tampuhan ang dalawa Ayon raw sa source may pinag-ugatan at pinanggalingan ang ikinatampo ng Megastar sa anak na si KC Aniya may mahalaga raw na mamahaling gamit na ipinagkatiwala sa anak at nang kanyang hanapin ito ay wala na. At sa lumalabas na balita ay di-umanoy naisanla ni KC iyon. Kaya’t Hanggang ngayon ay di matapos tapos ang away bati issue ng mag ina.

ALDEN RICHARDS AT DANIEL PADILLA, GINAWAN NG FAKE NEWS PARA MAG-AWAY 

NILINAW umano ng kampo ng dalawang aktor na si Alden Richards at Daniel Padilla na gawa gawa lang ng mga basher ang mga kumakalat ngayon na quotes post na may pangalan mismo nila. Naka blue check pa na animo’y nagpapalitan ng maanghang na salita at nagpaparinigan at gusto silang pag awaying dalawa, Aniya di raw sa mismong account nila nangagaling iyon at puro edited raw ang naturang quotes post. Kaya’t nagpaalala sila sa mga fans at solid na sumusuporta sa kanila mapanuri at huwag basta basta maniniwala sa mga kumakalat na fake news sa social media…

May be an image of 1 person and text that says 'Wally W PERALTA E ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *