ALDEN RICHARDS WELCOME NA WELCOME SA MANSYON NI KATHRYN BERNARDO

ALDEN RICHARDS WELCOME NA WELCOME SA MANSYON NI KATHRYN BERNARDO

May be an image of 1 person and text that says 'TAKTI rAKTΙKTAΚ KTAK Ver Ver2.0 2.0 BY: MIKO CAYAGO Emall Add: cayagoramilegmail.com'

USAP USAPAN ngayon ang nadadalas at laging pagbisita ni Alden Richards sa bahay ng aktress at nililigawang si Kathryn Bernardo  Aniya mula nang pumutok ang balitang single na si Kathryn at umentrada ng panliligaw ang dati niyang naka sama sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na naging blockbuster na ang aktor na si Alden Richards  Ani ng source welcome na welcome raw siya sa bahay ng aktress at kahit anong oras nito gusto pumunta ay nakakadalaw siya bastat nasa bahay at walang trabaho si Kathryn  At huli cam pa nga raw sila sa kanilang bonding at isa na riyan ang tinuturuan si Kathryn magdrive ni Alden sa kanilang lugar  At maraming nakakasaksi na unti unti ng nagkakamabutihan ng loob ang dalawa at sobrang saya nila tuwing magkasama, Kaya’t di malabo mangyari na bukas makalawa ay sasabog ang balitang mag dyowa na sila dahil nagkapalagayan na ng loob ang dalawa.

VICE GANDA AT AWRA BRIGUELA MULING NAG-BONDING

SA Vlog interview ni Ganda Ganda Kay Awra Briguela sa kanyang YouTube Account binalikan at sinariwa nila ang totoong pangyayari at naganap ng makulong at masangkot sa gulo ang kanyang alaga, Aniya naging lasingga, walwalera at rampadora kahit saang gimikan si Awra dahil tumatakas siya sa pinagdadaanan nilang problema sa pamilya at yun ang nahanap niyang solusyon at dahilan upang makalimot panandalian sa kanilang mga problema sa buhay  At hanggang masangkot sa eskandalosang pangyayari at bugbugan sa isang bar at makulong ngunit naging tahimik ang kampo ni Vice ukol rito,dahil pinakiusapan pala siya ng tatay ni Awra na huwag muna itong tulungan ni Vice at piyansahan para maisip nito ang kanyang mga pinaggagawa at nasa maling landas na tinatahak at marealize sa sarili kung hanggang saan lang ang kanyang limitasyon.

bago naging broadcaster… ATOM ARAULLO UNANG PINANGARAP NA MAGING ARTISTA

Bago pa man napanood sa TV bilang broadcaster, muntik na rin mapanood si Atom Araullo bilang isang aktor sa telebisyon  Bago pa naging batikang journalist, documentarist, at broadcaster ang noo’y Kapamilya journalism at ngayo’y 24 Oras anchor na si Atom Araullo  muntik na siyang lumabas sa TV bilang isang aktor. Ngunit ayon sa kaniya, hindi siya komportable sa ideya ng pagiging isang artista. ikinuwento ni Atom na high school pa lang siya noon nang may nag-imbita sa kaniya para sa isang audition para sa isang teleserye. Aniya,  “It was, uh, a teleserye, if I remember correctly. I don’t recall which particular one. Pero, kahit noon, ano na ‘yan, naka-feel ako ng discomfort.” Dito sinabi ni Atom na sobrang mahiyain siya at kahit pa may experience na siya noon sa theater acting ay na-overwhelm pa rin siya. Aniya; “Pag pinapanood ko ‘yung buhay ng mga artista, parang feeling ko hindi ko rin kakayanin,” sabi pa niya. Aminado rin ang batikang broadcaster na naging interesado rin naman siya noon sa pag-aartista. Ngunit sa huli, sinabi niyang ang nakabuo talaga ng desisyon niya na ‘wag pumasok sa showbiz ay ang kagustuhan niyang magtapos ng pag-aaral. At mag fucos na lang bilang mamahayag ng Pilipinas..

May be an image of 1 person and text that says 'Wally W PERALTA E ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *