sa pagtatapos ng serye nila ni Donny Pangilinan… BELLE MARIANO, CASE CLOSED

sa pagtatapos ng serye nila ni Donny Pangilinan… BELLE MARIANO, CASE CLOSED

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta adorsaluta@yahoo.com'

SA final episode ng Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love”ngayong Biyernes, magpapaalam.na rin ang character ni Belle Mariano bilang si Caroline Tiu o Ling kalabtim ang Kapamilya actor Donny Pangilinan. Sa Instagram post ni Belle, nagpapasalamat ang actress sa mga sumubaybay at ‘di nang-iwan sa kanilang programa ni Donny. Bungad ni Belle, “Case closed.” pahiwatig ng actress kung sino ang pumatay sa kanyang nanay played by Ina Raymundo. Aniya pa sa mga fans, “Will forever be grateful  for going through this journey, we’ve created a family. To our directors,cast,the production,crew and to everyone that supported Can’t Buy Me Love, I thank you from the bottom of my heart As Caroline would say  add it to may tab, this time I say ‘add it to my memories.”, ani Belle. Sinagot din ng actress ang tanong  sa kanya kung ano’ng big lessons ang natutunan niya sa numero unong Kapamilya series? “One of the biggest lesson I’ve learned  as Ling is that  money can buy temporary happiness but it Can’t Buy Me Love. (this is ) Caroline Tiu a.k.a Shingaling signing off,” dagdag pa ng actress.

KAKAYANIN BUHAYIN ANG 5 ANAK NG MISTER NI ANGELINE QUINTO, KINUKUWESTIYON                 

PAGKATAPOS ikasal Sina Angeline Quinto at non-showbiz partner na si Nonrev Daquina lumutang din ang tsismis na nagkaroon ito ng tatlo pang anak noong single pa ito. Ngayon nama’y lumutang ang tsismis na buntis umano ang singer sa pangalawa nilang anak at babae ang kasarian ng sanggol na dinadala sa ngayon ni Angeline? Tuloy, di paawat ang mga netizens sa pamba-bash kay  Nonrev kung saan ito kukuha ng pang-sustento  sa kanyang mga anak?  E,Wala naman itong mga racket o negosyo? Buntis umano si Angeline sa pangalawa nilang magiging anak at magiging lima na ang kanyang bunuhayin? Sa online show ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute sey ng beteranang columnist;  “Si Nonrev Daquina bina-bash ngayon ‘Di ba nagpakasal na nga sila ni Angeline Quinto?Ano raw ang mangyayari Kay Angeline e, lima na raw ngayon ang anak nitong si Nonrev? Kasi may mga anak na siya sa una. Puro babae!” ani Cristy. Sumabad naman ang co-host niyang si Rommel Chika,” Siyempre hindi naman maiaalis sa ating mag-isip kung Ilan na nga ba ang anak niya? Saan naman kukuha ngayon ng pang-sustento si Nonrev e, wala naman tayong nababalitang negosyo niya?” Sey naman ng co-host, “Dapat siya ang ama ng tahanan at siya dapat yung nakikita ng publiko na nagtatrabaho para di masabi na umaasa lang siya  kay Angeline Quinto? Nakakalungkot naman yang ganyan bina-bash-bash siya.” Kaya naman ang payo ni tita Cristy kay Nonrev ay magtayo na lang siya ng sariling negosyo para makita  ng publiko  na siya’y mage-effort para maitaguyod niya ang kanyang mga anak sa ibang babae at kay Angeline 

May be an image of 1 person and text that says 'Wally W PERALTA E ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *