Sa pagsita ng actor kay Daniel Padilla KAMPO NI ALDEN RICHARDS, BALAK IPA-NBI ANG NAGKALAT NG FAKE NEWS

Sa pagsita ng actor kay Daniel Padilla KAMPO NI ALDEN RICHARDS, BALAK IPA-NBI ANG NAGKALAT NG FAKE NEWS

May be an image of 1 person, harp and text

NASA tamang katuwiran ang daddy ni Alden Richards na si Mr. Richard P. Faulkerson sa pag-alma niya at pagbibigay ng babala sa isang fake news site, kung saan naglalabas ang nasabing entertainment page sa facebook ng mga pahayag diumano ng anak niyang matinee idol, na tinututulan ni Mr. Faulkerson, dahil hindi raw ganun magsalita ang kanyang anak. Nakakabahala nga para sa isang ama ang fake news na kanyang inalmahan. Doo’y pinalalabas na nagsasalita si Alden at nagpaparating ng mensahe para kay Daniel Padilla, na para bang sinasabing wag na nitong gambalain pa si Kathryn Bernardo, dahil masaya na umano ang aktres kung sino ang kanyang nakakasama ngayon. Marami pang ibang lumalabas na sinalita umano ni Alden na hindi naman nanggagaling mismo sa bibig ni Alden, kaya nababahala na si Mr. Faulkerson.

Sa patuloy na ganitong pangyayari, ay lumalabas lang na mayroong mga lumilikha ng isyu para pag-awayin sina Alden at Daniel nang dahil kay Kathryn. Iyon ang labis na tinututulan ni Mr. Faulkerson, kaya nagbabala na siya na huwag nang hintayin pa ng grupong gumagawa ng fake news tungkol kay Alden, na ipahanap sila at ipa-NBI.

kahit pa kinasuhan nina Sharon at Bea, plus word war eith Vice Ganda… CRISTY FERMIN BISNIS AS USUAL PA RIN

HINDI binibitiwan ni Tita Cristy Fermin at patuloy siyang may pasabog na blind item sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at Showbiz, Now Na! dahil lagi namang patok na inaabangan sa kanyang mga tsika ang blind item na talagang hinuhulaan ng marami niyang tagasubaybay sa kanyang mga programa. Katulad na lamang ng isa niyang kontrobersiyal na tsikang blind item, kamakailan. Diumano, may naging ugnayan daw dati ang isang sumikat na singer-actress at ang isang matangkad, guwapo at mahusay na aktor na marami nang nakarelasyong kababaihan sa showbiz. Ang nakakalokang kabuntot na kuwento ay mayroon daw naging anak ang aktor at ang singer-actress, na nailihim nang mahabang panahon. Maryosep! Ang daming humula, kahit iyon ay hindi pinangalanan kung sino ang mga pangalang sangkot, dahil blind item nga. Pero sa social medya, sa dami ng mga humula. Paano daw ay kailan nangyari? Na sa totoo lang nga ay hindi napag-usapan kahit pa-bulong sa showbiz. 

THE RAYMUNDO BROTHERS

NAKAKAALIW naman ang magkapatid na Lance Raymundo at Rannie Raymundo. Bilang panganay si Rannie ay nauna na siyang hinangaan sa showbiz sa galing niyang kumanta, at tinawag siya dating kilabot ng mga kababaihan dahil bukod sa kaguwapuhan ay napakalakas ng kanyang sex appeal habang nagpe-perform. Bilang mas bata si Lance, bukod sa may hitsura at magandang katawan ay napakahusay niyang kumanta. Maraming nagkukumpra kung sino ang mas magaling kumanta at kung sino ang mas guwapo? Mabuti na lang, hindi sila nagpapaapekto sa mga pagkukumpara sa kanila. May kaya sila sa buhay, at pinalaki sila ng kanilang mga magulang na may disiplina at pagmamahal sa pagiging magkapatit. Lagi silang magkasama na parang barkada, magkasama pagdyi-gym. Si Lance, bukod sa pagkanta ay tahimik lang na sunod-sunod ang paggawa ng mga pelikula. Pagkatapos ng Miss Probinsiyana ni Rhian Ramos ay kasama siya sa isang bagong movie ni Derrick Monasterio. Kasama rin siya nina Claudine Barretto at MJ Lastimosa sa pelikulang Sinag.  “Sa music naman, may ongoing National Tour kami ng Kuya Rannie ko, title of the concert series ay ‘Rannie Raymundo Project’ This is a No Covers concert. So, it’s a 2 hour musical experience na puro unreleased original music na sinulat namin,” wika ni Lance.

May be an image of 1 person and text that says 'Wally W PERALTA E ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *