ROMANSANG PAOLO CONTIS AT YEN SANTOS, GAME OVER NA?

ROMANSANG PAOLO CONTIS AT YEN SANTOS, GAME OVER NA?

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add: l:artzy02@yahoo.com'
Paolo Contis denies breakup with Yen Santos | Philstar.com
My Movie World: NDMstudios Roster of Films and Series Unveiled

MABILIS ang tsismis quotient ng mga marisol pagdating sa pag-aabang ng mga balita. Napansin ng mga kate-katera na wala na sa Instagram ni Yen Santos ang sweet messages niya kay Paolo Contis. Malakas tuloy ang mga espekulasyon na hiwalay na ang dalawa. Kaya naman nang maibahagi ang tsikang ito sa isang portal ay marami agad na katkatera at sawsawera ang nag-react. May mga nagsasabi pang naisip na raw nila na hahantong sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa. Ito naman ang reaksyon ng kibitzers sa pagkawala ng sweet messages ni Yen kay Paolo sa kanyang IG. “Lol.What goes around, comes around.”  “Baka pinursue na talaga ni Paolo C. si Arra” ” Akala ko pa hacked yung account kasi wala na yung bday post nya ke Paolo” ” ganun talaga. Kung pano mo nakuha, ganun din mawawala” ” Paolo, is set to disappear soon”  ” You’ll lose them how you get them, never gets old” ” Umuwi ka na beybeh – O&L” ” I honestly don’t get the hype sa kanya. ” ” That’s the saddest part hahaha lel” ” Dasurv” ” Di ba tinaningan na nga noon ”

NAKATAKDANG gumawa ng kasaysayan ng batikang director na si Direk Njel de Mesa dahil sabay-sabay na ipalalabas ang anim sa sampu niyang pelikula sa isang prestihiyosong international filmfest sa Japan. Maituturing na pambihira ito dahil wala pang nakakakuha ng ganitong record sa sinumang director sa Pilipinas. Consistent naman kasi ang pagiging winner ni Direk Njel mula nang manalo na siya sa Palanca.  Natigil lamang ang paggawa niya ng pelikula nang manilbihan siya sa MTRCB bilang Vice Chairman.  Pero ngayon ay tuloy tuloy ang ratsada niya bilang filmmaker dahil pumatok ang kanyang mga kakaibang kwento sa panlasa ng mga foreigners.  Ang Malditas in Maldives starring Arci Muñoz, Kiray Celis, at Janelle Tee ang nangunguna sa listahan. Patok din sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan ang Mama ‘San? ng bagong artista sa showbiz na si Shaneley Santos na nagshooting sa Tokyo. 

Mukhang type din ng mga hapon ang mga kakaibang thriller na tulad ng Coronaphobia starring Daiana Menezes and Will Devaughn. Libre naman mapapanuod sa festival ang Creepy Shorts Anthology at ang 1st Prize Don Carlos Palanca Award-winning film na Subtext starring Paolo Contis, Ciara Sotto at Ely Cellan. Nakapasok rin sa official selection category ang Must Give Us Pause na isang matinding drama story tungkol sa mental health. Maraming firsts si Direk sa set na ito dahil kauna-unahan din siyang direktor na makatapos ng isang local production na nagshooting sa Maldives. Buong pelikula ang kinuhanan sa Maldives at hindi sila side-trip lang. Ginawa ito ni Direk para mabigyan ng pansin ang katotohanan na ilang taon na lamang ay lulubog na ang Maldives dahil sa Climate Change.

Buong pelikula rin ang shooting sa Singapore sa Must Give Us Pause pati ang Mama, San? sa Tokyo. Inubos ni Direk  ang kanyang savings para puhunanan ang kanyang mga pelikula kaya naman, hindi niya mapigilan ibahagi ang kanyang pinagdaraanan.  “Araw araw akong puyat dahil sa editing namin, akala ng mag tao wala kang ginagawa kasi wala kang pinopost. Ang hirap pala talaga kapag sabay-sabay ang mga pelikula ginagawa kasi ma-trabaho talaga,” sabi ni Direk. Mukhang magbubunga na ang paghihirap ni Direk ngayong taon dahil talagang nakakatuwa ang mga pelikula niya na iba’t iba ang genre. Kung nais niyong makita ang mga trailer.

May be an image of 1 person and text that says 'Wally W PERALTA E ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *