VICE GANDA, TINANONG NI JACKIE GONZAGA HINGGIL SA TALENT FEE

VICE GANDA, TINANONG NI JACKIE GONZAGA HINGGIL SA TALENT FEE

May be an image of 1 person and text that says 'firi eri 台日 Email Add: lizbeth EmailAdd:lizbeth1021@yahoo.co 1021 @yahoo.com BETCH ni: BETH GELENA'

TINANONG umano ni Jackie Gonzaga si Vice Ganda tungkol sa pagsali nito sa Expecially For You segmenrlt ng noontime show nila. Nabanggit ni Meme Vice ang umano’y pagtatanong ni Jackie tungkol sa pagsali sa EFY. Sa segment ng  Tawag ng Tanghalan wala raw pasintabi ang dancer/host na nagtanong sa kanyang manager na si Vice kung iba raw ba ang TF (talent fee) pag sumali siya sa EFY.  Matatandaang kamakailan ay naging emosyonal si Jackie nang magsabi si Vice tungkol sa  walang closure na relasyon nito. Espekulasyon tuloy ng netizens ay hiwalay na si Jackie sa boyfriend nitong si Tom Doromal.  Walang tuwirang sagot si Meme Vice sa tanong ng kanyang talent.  Naniniwala tuloy siyang break na si Jackie sa boyfriend nito lalo na nang banggitin niya ang walang closure ang kanyang talent at boyfriend nito. Tiyak na aabangan ng marami ang pagsalang ni ni Jackie bilang searchee sa EFY. 

ÄFTER GIMIK CAST REUNION, GIMIK REUNION MOVIE ANG KASUNOD?

BAGO mag-birthday si Judy Ann Santos ay nagkaroon ng reunion ang youth-oriented program na Gimik.  Sa Instagram ni Juday ay pinost niya ang mga collage pictures nila ng Gimik days at ang mga nagsidalo sa reunion.  Ang caption ng aktres:  “That one fine day… friends come and go… but the real ones… they stay… they stay with you forever #judyannkitchen #gimikreunion” Ani Jolina Magdangal,  “kelan natin uulitin? Mishu mare ko” Sagot ni Juday: “agad agad!!!” Komento naman ng isang netizen, “you know who is missing Rico Yan would love to see you all in one frame, gimik fanatic here.” Hinahanap naman ng iba ang kanilang mga kasamahan.  “Sana sa susunod kasama na sina Bojo, Diet at G para complete ang Gimik.” “Missing Rico Yan” “Nakakamiss batang 90s” “Di kumpleto ang sabado pag walang gimik barkada yay parang kailan langlang, the most phenomenal teen barkada #Gimik” “Omggg my gimik heart is sooo kilig!!!” “Nakakaiyak na nakakahappy ito. Seeing you together makes me feel young and brings back my happy childhood days. Watching Gimik on Saturdays was a routine for me.” “Grabe you guys don’t age, mukhang nasa 30s pa kayo hehehe. Love it… Sana may  reunion together teleserye” Marami talagang fans ang cast ng Gimik noon kung saan rivalry naman nila ang programa nina Angelu de Leon at Bobby Andrews, ang T.G.I.S.

May be an image of 1 person and text that says 'Wally W PERALTA E ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *