LIVE-IN PARTNER KIM MOLINA AT JERALD NAPOLES, TWICE NANG MUNTIKANG MAGHIWALAY

LIVE-IN PARTNER KIM MOLINA AT JERALD NAPOLES, TWICE NANG MUNTIKANG MAGHIWALAY

May be an image of 1 person and text that says 'Showbiz PAMOR ORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: :rommelplacente530@yahoo.com'

NOONG kasagsagan ng COVID-19 pandemic at habang ginagawa nila ang isa nilang pelikula sa Viva Films ay naghiwalay pala sina Kim Molina at Jerald Napoles.Ito ang inamin ni Kim sa isang interview niya. Ito raw yung mga unang linggo ng pagli-live in nila noong 2021 makalipas ang ilang taong relasyon bilang magdyowa. Nagsimula raw ang lahat ng mag-away sila habang ginagawa ang pelikula nilang Ikaw at Ako at ang Ending. “Ang suwerte ko lang kasi katulad niya (Jerald) yung kasama ko sa buhay at saka ka-loveteam. Hindi talaga mahahalata ng mga katrabaho namin na may nangyayaring pag-aaway or anything. Like, may ginawa kaming pelikula before na hindi alam ng lahat na nag-break kami. Share ko lang sa inyo, ang tagal na naman nito,” simulang sabi ni Kim.

Patuloy niya, “During pandemic po kasi, adjustment. First time din namin na magka-live in ni Je. So, yung mga problem namin bilang magdyowa, nagkasama-sama, na-pile up. First time namin magka-live in Lahat naman ng problema namin, hindi namin mapagtuunan ng pansin na pag-usapan kasi kailangan namin kumita. Kailangan naming magbayad ng bills. Kailangan naming mag-work. E, yung Ikaw at Ako at ang Ending, nagkataon na mga best friend namin yung mga nandoon. Ang direktor namin, si Direk Irene (Villamor). Hindi namin din sinabi kay Irene,” chika pa niya. “Ang nangyari, ang location namin, sa Pagudpud, Ilocos Norte. Nag-away kami, nag-stay kami sa isang cottage. Nag-away kami, ‘Break na tayo!’ Nag-break kami. Tapos, tiningnan ko yung sequence guide (sa script), bed scene (ang kukunan) kinabukasan! Paano ko ito gagawin kasi drama po talaga yung Ikaw at Ako at ang Ending. Ito kasi si Je, hindi po kami nakakatulog nang hindi kami nagiging okay. So, naging okay naman po kami after nu’ng bed scene na hindi naman sa mga kamera!” sey ni Kim sabay tawa. Dugtong pa niya, “So, basically, naayos naman po namin yung aming problema pero walang nakakaalam. Kinabukasan, okay kami, natapos namin yung movie. Ngayon lang namin nasabi, ngayon ko lang talaga naikuwento.” Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na panandaliang nag-break ang celebrity couple. Kuwento pa ni Kim,  “Nangyari na po siya before kahit Rak of Aegis (musical play), so we had to fall in love all over again onstage without the people knowing that there’s something happening off stage,’

sa nararamdaman pagmamahal kay Claudine Barreto… YASSER MARTA SINGS RIGHT LOVE AT A WRONG TIME

MATATANDAANG inamin ni Yasser Marta sa guesting niya sa Sarap Di Ba? na naging malapit sila ni Claudine sa isa’t isa matapos ang ilang buwan nilang taping para sa Lovers/Liars. Kaya naman sa guesting ni Yasser sa Fast Talk With Boy Abunda, diretsahan siyang tinanong NI Kuya Boy, kung naging magdyowa ba sila ni Claudine Barretto. “Naging kayo ba ni Ms. Claudine Barretto?” ang tanong ni Kuya Boy kay Yasser na sinagot ng aktor ng, “Hindi po.” Sundot na tanong ni Kuya  Boy  kay Yasser, kung totoo bang na-in love siya kay Claudine noong ginawa nila ang suspense-drama na Lovers/Liars. “Sino ba ang hindi mahuhulog sa isang Miss Claudine Barretto? Napakalambing, napakaganda, lahat ng iwi-wish mo nasa kaniya na,” sey ni Yasser. Sa sobrang pagka-in love nga raw niya sa aktres, kapag nabigyan siya ng powers na bumalik sa past, gusto niyang makasabay niya si Claudine sa showbiz industry. “Ako, kung maibabalik ko lang siguro ‘yung panahon dati na sabay kaming nandito sa industriya, Tito Boy, sana mabalik ko ‘yon,” aniya pa. Kung ihahalintulad nga raw sa isang song ang nangyari sa kanila ni Claudine,  “Yung sabi sa kanta nga.. right love at the wrong time.” Matatandaang inamin ni Yasser sa guesting niya sa “Sarap Di Ba?” na naging malapit sila ni Claudine sa isa’t isa matapos ang ilang buwan nilang taping para sa Lovers/Liars. “Well, sa closeness namin ni Miss Clau, 10 talaga. As in sobrang naging close kami, ginagawa namin yung Lovers/Liars. Talagang oo. “I’m going to be honest. Totoo. Ako naman, ‘yung naramdaman ko at that moment, naging totoo ako, gusto ko rin naman talaga si Claudine,” aniya pa

May be an image of 1 person and text that says 'Wally W PERALTA E ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *