THE NATIONAL ARTIST MS. NORA AUNOR

THE NATIONAL ARTIST MS. NORA AUNOR

May be an image of 1 person and text
Matagal nang deserving! House urged to nominate Nora Aunor for National  Artist award | Politiko Metro Manila
Cinemanila lifetime achievement award for Nora Aunor - Filipino Journal

SOBRANG makulay ang buhay ni Nora Aunor, kaya ang kanyang life story ay isasapelikula na. Ang kuwento ay susulatin ni Maestro Ricky Lee at sa direksiyon ni Joel Lamangan. Nauudlot noon ang pagsulat ng talambuhay ng Superstar, dahil patuloy pang nadadagdagan ang magandang pangyayari sa kanyang buhay. Isa sa pinakamagandang naitala sa kuwento ng kanyang buhay ay nang maigawad sa premyadong aktres ang mataas na pagkilala bilang National Artist. Si Nora bilang artista na sumikat sa showbiz ay may kakaibang lalim ang pagkatao. Kahanga-hanga siya, dahil hindi lang siya basta mahusay na aktres lang.

Siya rin, sa kanyang pamamaraan at hangarin para sa industriya ay matalinong movie producer noon ng NV Productions na nakagawa ng magagandang pelikula na klasiko na ngayon, pero patuloy na pinag-uusapan, pinahahalagahan. Mga pelikulang lalo pang nag-angat sa pangalang Nora Aunor bilang de kalibreng aktres. Napakasuwerte ni Nora sa kanyang movie career patungo sa dulo ng tagumpay. Napakaingay ng kanyang pagiging artista. Bawat kibot ay lagi siyang pinag-uusapan. Malungkot lang na pangyayari, nawala ang kanyang golden voice. Pero mayroon pa rin siyang alas, at iyon ay ang kahusayan sa pag-arte na mahirap pantayan. Habang hawak noon ni Nora ang init ng kanyang popularity at sinasabing sobrang yaman niya sa pera ay hindi siya maramot. Marami siyang natulungan, kaya sa showbiz bilang ganti ay napakaraming nagmamahal sa kanya.

MALIGAYANG KAARAWAN, ATE GUY

MASAYA si Nora Aunor, dahil ipagdiriwang na naman niya ang kanyang kaarawan sa May 21, na nagpapatuloy ang masaya at maayos nilang komunikasyon ng kanyang mga anak na sina Lotlot, Matet, Kiko, Kennett at Ian de Leon. Bilang magulang, si Nora ay hindi nagpapakaperpekto. Pero alam ng kanyang mga anak kung gaano siya kalalim kung magmahal sa pamilya. Nasa showbiz din bilang mga artista lalo na sina Lotlot, Matet at Ian, kaya mas naiintindihan nila ang saya at hirap ng sitwasyon kapag ang magulang mo ay mga sikat na artista. Habang ngayon pa lang ay inaabangan na ang pagsasapelikula ng makulay na daigdig ni Nora, ay patok na pinag-uusapan ngayon ang isa niyang lumang pelikula. “Bona” is included in the Cannes Classics section of the 77th edition of the Cannes International Film Festival, which will run from May 14 to 25, 2024.

Ian de Leon — The Movie Database (TMDB)
Ian de Leon Reveals Reason Behind Not Going To Party Prepared by Nora Aunor

MARAMI ang naaaliw kay Ian de Leon, dahil bilang anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon, na lumaki at produkto ng nagkahiwalay na mga magulang, si Ian ay nagbinata at nagkaasawa na isang mabait na tao. Bilang anak ay hindi niya ipinagyabang man lang, na siya ay anak ng mga tanyag na artista. Simple lang siya palagi. Isa rin siyang mahusay na aktor, nagmana sa kanyang mga magulang. Isa sa nakakatuwang kuwento ni Ian ay isinilang daw siya at lumaki sa mundo, na unti-unti na lang niyang nakasanayan na sa loob at labas ng showbiz, hindi na natapos ang palaging maingay na pagkukumpara ng mga tao sa kanyang mommy at sa karibal nito sa popularity na si Vilma Santos, ang Star for All Seasons. Nakasanayan na daw ni Ian na Nora’t Vilma ang showbiz bago ang kasikatan ng ibang artista. Minsan ay natanong siya, kung okey sila ni Luis Manzano dahil anak sila ng dalawang pinagkukumprang mga premyadong aktres.  “Wala namang problema. Minsan, nung dati pa. Nagkasalubong kami ni Luis sa ABS-CBN, at binati naman niya ako,” sabi ni Ian.

May be an image of 1 person and text that says 'PERAL Wally PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com 58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *