WHOLI-KA BLIND ITEM

WHOLI-KA BLIND ITEM

hala…….!!!!! MATULIS AT DAKOTANG AKTOR, MAY TINAGONG ANAK SA ISANG SIKAT NA ACTRESS/SINGER

NAKU naman! Ano itong bagong kaganapan na nahalukay sa showbiz, na si matangkad, guwapo at mahusay na aktor, na may Playboy image ay may nadagdag sa listahan ng mga magagandang babae sa showbiz na nabighani ng kanyang pagiging karinyoso? Nananahimik ang girlash kasi may jowa na siyang guwapong aktor. Pero ang mga lihim talaga ay parang bango at baho. Naamoy, nabubuking. Si mahusay na aķtor ay may asawa na rin. Kaya lang, dahil sobrang lapitin siya ng mga babae, ay mahaba na talaga ang listahan ng mga babaing kumabit, nagparamdam at nahumaling sa kanya. Itong bagong dagdag sa listahan ng kanyang mga pinaligaya at pinasaya sa kama, ay isang aktres na mahusay din kumanta at sumayaw.

Ang alam lang sa showbiz ay nagkasama sila sa isang sitcom. Pero may naiwan daw responsibilidad si aktor kay aktres. May naging anak pala sila, pero hindi naghahabol ng sustento si aktres, para walang isyu. Ayyy! Karagdagang pambubuking sa katangian nitong si aktor na Papa Guwapo, ay sobra ang kanyang kadakilaan na hindi mo matatanggihan kapag ikaw ay kanyang natipuhan. Kahit ang tropa ni aktor sa showbiz ay bilib at inggit na inggit sa katangiang kadakilaan ng friend nilang aktor. Hindi raw maikakaila.

CLUE: nasa istorya na ung mga clues,. Si aktress ax may show sa isang malaking network. Naging member din si aktress sa isang sikat as in sikat at tinitilian ng husto na all female group.. BY: MELCHOR BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *