COLEEN GARCIA, INAMIN NA ILANG BESES DIN HINAMON NG HIWALAYAN SI BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA, INAMIN NA ILANG BESES DIN HINAMON NG HIWALAYAN SI BILLY CRAWFORD

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta adorsaluta@yahoo.com @yahoo.com'
Coleen Garcia admits almost giving up on Billy Crawford
Get your Shawtout from Coleen Garcia

GOING strong pa rin ang pagsasama ng mag-asawang Coleen Garcia at dating It’s Showtime host na si Billy Crawford sa kabila ng mga isyu na di raw sila  nagkakasundo na humantong pa sa almost hiwalayan ng dalawa na naging bahagi ng kanilang  halos limang taong pagsasama. Subali’t sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan, ngayon lamang ibinabahagi ng actress ang mga panahong Ilang beses na niyang hinamon nang hiwalayan si Billy. Ibinahagi ni Coleen ang ilang kaganapan sa naging samahan nila ng asawang si Billy Crawford sa nakaraang panayam sa kanya ng King of Talk Boy Abunda nitong nakaraang episode ng programang Fast Talk last June 6,2024. Umpisang tanong ni Boy kay Coleen ay kung ano na update sa kanilang relasyon ni Billy., ito’y sa kabila ng tsismis noon na hiwalay na.ang dalawa. Una’y pinabulaanan ito ni Coleen at sinabi na maayos naman ang naging pagsasama ng dalawa  although ikinabigla ng Ilang netizens ang pagbabahagi nito na Ilang beses na rin nitong hinamon ng hiwalayan si Billy. Mabuti nga raw at hindi pumapayag si Billy sa kanyang mga hamon at pilit na inaayos ang hindi nila napagkakasunduan.  Ayon Kay Coleen,” Never kaming nag-break , pero there were a lot of instances na parang “almost” ,pero not really (naghiwalay) Kasi hindi siya pumapayag.Sabi  niya, ‘We’ll fix this … ipinaglalaban niya talaga always,” sey ni Coleen. Sa ngayo’y strong pa rin ang pagsasama ng dalawa at nabiyayayaan sila ng only babygirl.

Doods does good | The Manila Times

EDU MANZANO, HULING HULI SA AKTO PANGONGOTONG NG ISANG TRAFFIC OFFICER

SA kanyang  X post(dating Twitter) naglabas ng kanyang saloobin ang beteranang actor na si Edu Manzano tungkol sa nangyaring pangongotong umano ng isang pulis sa kanyang driver. Ayon mismo kay  Edu, nahuli niya sa akto ang pulis na kinokotongan ang kanyang driver pagkatapos ng isang traffic violation at inamin din ni Edu ang violation na kinasangkutan ng driver pero pinalagan  niya ang 4k na hinihingi ng pulis sa kanyang driver. Salaysay ni Edu, “My driver was just stopped by motorcycle cop in Roxas Boulevard (and) I was sitting in the back whille he approached my driver and told him his violation, illegal U-Turn.  “Yes, my driver made a mistake but what upset me more is when he(cop) demanded 4k from my driver.”Ani Edu sa kanyang tweet. I had to confront the cop . He started with a seminar, then 2k then 4k. Hindi raw namamalayan ng motorcycle cop na nasa likuran ang actor  Tuloy pa ni Edu “I was in the back listening while he threatened my driver. I didn’t mince words,” aniya. Wala pang ulat kung sasampahan niya ng kaso ang cop o patatawarin na lamang niya ito.

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *