P1.6M HALAGA NG MARIJUANA NAKUMPISKA, MODE OF PAYMENT ONLINE NA!

May be an image of money
May be an image of 4 people
May be an image of 1 person and indoor

NAKUMPISKA ng mga operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU) sa pangangasiwa ni PMAJ Joel Custodio at sa pangunguna ng DEU Team Leader na si PLT Daniel Solano ang sixteen (16) kilos ng hinihinalang Marijuana na nagkakahalaga ng isang milyon anim na raang libong piso (Php 1,600,000.00) sa isinagawang drug buy bust operation noong June 23, 2022 ganap na ika 4:15 ng umaga sa Melendrez Subdivision, Brgy. Dolores, Taytay Rizal.

Ayon sa ulat ni PCOL Dominic L. Baccay, Provincial Director kay PBGEN Antonio C Yarra, Regional Director PRO CALABARZON, ang pagkaka-aresto ng mga suspek na kinilalang sina Jomar Vergara @ Jomar (HVI/pusher) tubong Rizal at Edgardo Claudio @ Barry (HVI/pusher) tubong Rizal at parehong naninirahan sa siyudad ng Antipolo.

Ayon sa impormante ng mga pulis ay talamak ang bentahan ng iligal na droga sa nasabing lugar at sangkot ang dalawang suspek sa bentahan.

Kayat nagsagawa ng casing/surveillance ang ating mga kapulisan na tumagal din ng halos tatlong lingo ( 3 weeks) na nag resulta sa matagumpay na operasyon.

Napag alaman ng ating kapulisan na ang mga transaction na ginagawa ay via online using online payment channels (gcash/smart padala etc).

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Taytay Custodial facility habang nahaharap sa reklamong paglabag sa Anti Dangerous Drugs Act of 2022 (RA 9165). Pinuri naman ni PCOL Baccay ang naging matagumpay na operasyon ng PIU at naninindigan ito na ang mga kapulisan ng Rizal ay lalong magsisigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng iligal na droga dito sa probinsya ng Rizal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *