Maghanda na, mga sisterettes, dahil isang bonggang season finale ang ihahandog ng hit GMA action-comedy series na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis!’ Sa darating na Pebrero 2, isang tarush at high-stakes na episode ang maghahatid ng matinding aksyon, feels, at hindi inaasahang mga pasabog!
Siyempre, pangungunahan ito ng nag-iisang Titanic Action Star, Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. bilang si Police Major Bartolome ‘Tolome’ Reynaldo, kasama ang gandang reyna na si Beauty Gonzalez bilang si Gloria.
Pero wait, there’s more! Sa halip na isang fairy tale wedding, tila magiging isang action-packed showdown ang kanilang kasal! Habang papunta na sila sa ‘I do’ moment, isang shokot na peligro ang babalot sa seremonya. Kalurks!
At hindi lang ‘yan! Handa na ba kayo sa isang nerve-wracking na habulan, mga paandar na stunt, at isang intense underwater rescue? Talagang buwis-buhay ang ganap! Pero ang tanong—masalba kaya ni Tolome ang kanyang babe na si Gloria? O tuluyan nang magiging wasak ang kanilang pangarap na forever? Abangan!
Hindi rin papakabog ang star-studded cast na mas lalong magpapainit ng eksena! Kasama sina Carmi Martin bilang Lucing, Jestoni Alarcon bilang Chief Gener Alberto, Liezel Lopez bilang Jacqueline ‘Jacq’ Dela Torre, Niño Muhlach bilang Lieutenant Sylvester Salonga, Dennis Padilla bilang Police Major Vincent Policarpio, Maey Bautista bilang Candida, Raphael Landicho bilang Kiko, at Jeffrey Tam bilang Onofre ‘Bunso’ Batumbakal.
At dahil love tayo ng show na ‘to, bigay-todo rin ang mga special guest stars! Mapapanood natin sina Jillian Ward bilang Dra. Barbara Hidalgo, ang nag-iisang Ms. Gloria Diaz bilang Nadia, Leo Martinez bilang Adonis, Sid Lucero bilang Jeffrey ‘Jepoy’ Guzman, Jon Lucas bilang Homer, Jay Manalo bilang Pancho Blanco, Ryan Eigenmann bilang Rico, Faith Da Silva bilang Janice, Roxie Smith bilang Aira Dela Cruz, Long Mejia bilang Darak, Boss Toyo, Neil Ryan Sese bilang Teddy, King Gutierrez bilang Arturo, at Joko Diaz bilang Diego!
Sa ilalim ng pamatay na direksyon ni Direk Enzo Williams, siguradong pasabog ang season finale ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis!’ Kaya mga kaps, huwag pahuhuli—tutok na sa GMA Network sa Pebrero 2, 7:15 PM, at alamin kung happy ending ba ang naghihintay kay Tolome at Gloria!
‘Yun na!
#ChairmanNgChikahan
#MaritesInChief
#LatikanNa