


P’S TALK by PILAR MATEO
Truly, maituturing na darlings of the press ang power couple na sila Gladys Reyes at Christopher Roxas.
Napakalaki ng pagpapahalaga nila sa mga members ng media, lalo na ang mga nakasama na nila sa mula’t mula pa. Kapanabayang lumaki kumbaga sa mundo ng showbiz.
Kaya naman in her journey to wherever she is now, Gladys, together with her husband Christopher, makes it a point na magbalik ng blessing nila lalo na sa mga nakatulong at nakaagapay nila sa maraming taon.
Inuulan kasi ng dating ng endorsements ang mag-asawa. Kaya naman nagagamit nila ito sa mga negosyong nais simulan. Gaya na lang nitong ‘That’s Diner’ na matatagpuan sa Brickroad sa Sta. Lucia Mall.
Inanyayahan ng mag-asawa sa isang tanghalian ang ilang members ng media para ipatikim ang specialties of the house na sari-saring luto ng bulalo na si Christopher mismo ang gumawa bilang isang chef.
Bukas ang ‘That’s Diner’ simula 10 ng umaga hanggang alas dose ng hatinggabi, at may iba’t-ibang pakulo kada araw para umakit ng potential customers.
Kaya masayang-masaya ang bida-kontrabida na si Gladys at nagsisimula pa lang ang 2025 ay may mga proyekto na siya sa Netflix (na ‘di pa pwedeng i-disclose) at ‘serye sa GMA-7.
Plano na rin niyang simulan ang sarili niyang vlog na ‘Glad to Be with You!’
Hindi nagdiriwang ng pasko, bagong taon at maski na valentine’s day ang mag-asawa, kase pareho silang active members ng Iglesia ni Cristo (INC).
Pero sa 31 taon ng pagsasama nila, nagamayan na nila ang paraan upang mapanatili ang sangkap na bumubuo sa masaya at maayos nilang pamilya.
Ginagabayan ng pananampalataya nila sa Panginoon ang pamilya nila. Kaya anuman ang biyayang tinatanggap nila ay ibinabahagi rin sa mga mahal nila sa buhay.
Ano pa nga ba ang pwedeng hilingin ni Gladys? Pagdating sa karera niya bilang artista, tried and tested na siya sa pagiging mahusay niya sa larangang ito.
Bida o kontrabida man, iba ang tatak-Gladys sa TV at pelikula. May sumunod man, tiyak na hindi mapapantayan!