sa napipintong revamp sa Eat Bulaga.. ALDEN RICHARDS, TAHASANG SINABI NA DI KAKALAS SA DABARKADS

sa napipintong revamp sa Eat Bulaga.. ALDEN RICHARDS, TAHASANG SINABI NA DI KAKALAS SA DABARKADS

May be an image of 1 person and text that says "GO loan deal Online BY: GERRY OCAMPO"
No description available.
No description available.

SA episode ng Dabarkads Vlog sa YouTube channel ng “Eat Bulaga”, sinagot ni Alden Richards ang lahat ng mga katanungan ng fans, kasama na rito ang pagbabalik niya sa noontime show. Last March 11 nang muling mapanood si Alden sa EB makalipas ang isang taon niyang pagkawala sa sariling show. Ipinaliwanag ni Alden sa vlog kung bakit nga hindi siya nakakasipot sa show nitong nakalipas na isang taon.

“Last year, medyo nag-pile up yung projects na kailangan kong gawin. Nagtayo rin ako ng sarili kong production company. Sinolidify ko muna yung foundation nu`n. Ayoko kasi na bumalik sa “Eat Bulaga” tapos paisa-isa lang. Gusto ko, pag bumalik ako, committed ako. Kahit hindi man everyday, basta at least hindi lang ako mawawala for the week. So, inayos ko muna lahat `yon para pagbalik ko rito, at least buo ako na haharap sa mga Dabarkads ang to be a host of the show,” paliwanag ni Alden.

Sabi niya, itinuturing niyang 2nd permanent home ang EB at binalikan kung paano siya naging part ng show eight years ago. Nagsimula lang daw siya as guest every Saturday hanggang maging regular host. Sobrang saya daw ang nadama niya that time. “Kasi imaginin mo, yung noontime show na kinalakihan ko kasama yung family ko, bigla akong kukunin as regular host, aba yun ang tinatawag na dream come true natin diyan,” aniya. “How many opportunities in a life time ka mao-offer-an to be part of the longest running noontime show with Tito. Vic (Sotto) & Joey (de Leon) and the Dabarkads? Yun kasi yun, eh. I mean, I`ve been part of the show for eight years already. Kapag lumalabas ako or whatever I do shows. In a way, medyo kadikit ko na ang pangalan ng Eat Bulaga,” dagdag pa ni Alden.

May nagtanong kung ano raw ang binili niya sa kanyang unang suweldo sa EB. Sagot niya ay sapatos daw dahil marami raw ang nakakapansin na paulit-ulit ang isinusuot niyang sapatos. “Eh, kasi ako naman talaga, hindi ko masyadong binibigyan ng pansin yung fashion ko, especially sapatos kasi mahilig talaga ako mag-ulit, eh. Kaya hanggang ngayon, yung sapatos ko puro puti kaya hindi n`yo mapapansin na bago siya magkakamukha,” paliwanag niya.

Ang tanong ay kung anong mangyayari kapag nagkaroon ng revamp ang longest running show na magkakaroon big announcement sa April 15. Sa interview ni Alden kay Nay Cristy ay taasang sinabi ni Alden na hindi siya kakalas sa Dabarkads at kina Tito, Vic and Joey.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *