
Tsk tsk tsk
Simulan natin ang ating kolum sa isang kasabihan na nagmula sa isang pinakamatapang at pinakadakilang hari mula sa bansang Europa…never interrupt your enemy when he is making mistake!
Hayaan mo lang ang iyong kalaban sa kanyang mga maling ginagawa at hayaan mo lang na magkamali sa kanilang mga hakbang para hindi mo na kailangan pang mag-effort para sila ay bumagsak at magapi.
Gusto nyo ng sample?
Si VP Sara Duterte…gulpe sarado sa kabi-kabilang banat…hindi kumikibo walang ginagawa pero sa halip na mabaon lalo pang umaangat dahil mismong mga kalaban niya ang nagpapahamak sa kanilang mga sarili.
Dahil kadalasan, ang mga taong sanay maglaro ng marumi at sanay magtago ng katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan ay kusang nalalantad at nabubuko dahil na rin sa kanilang sariling mga pagkakamali.
Itong isyu tungkol sa pinainit na paksa na tungkol sa umano’y ginawang pambabastos nitong bida-bida na si Commodore Jay Tarriela sa Pangulo ng China na si Xi Jinping na inayunan pa at kinampihan nitong mga kulangot natin na ilang mga opisyal at pulitiko na sumawsaw para naman makapag-grandstanding at makapagligaw ng isyu (flood control scandal) para malipat ang atensyon ng publiko sa sala-salabat na isyu ng awayan ng Chinese embassy diplomats at ng ilan nating mga mambabatas…mukhang habang tumatagal ay lumilinaw kung ano talaga ang totoo at kung sino ang talagang may mali…at kung sino talaga ang MAY TAMA!
Tulad ng mga napapanood natin sa mga pelikula at sa mga teleserye sa telebisyon…especially yun sa mga K-Drama na hindi mo mahuhulaan kung sino talaga ang walanghiya hangga’t hindi mo natatapos panoorin ang lahat ng episodes, habang nasa kalagitnaan yan ay patuloy na namamayani at umaangat ang hindi mo inaasahang mga kontrabidang tunay na dapat managot sa mga nangyayaring kasamaan sa kabuuan ng istorya na madalas ay ibinibintang dun sa mga inosenteng personalidad at karakter na siyang tunay na mga bida sa serye o pelikula.
At sa dulo ng bawat istorya, doon mo lang matutuklasan kung gaano pala kawalanghiya itong mga dunung-dunungan…galing-galingan…at playing saints and heroes sa mga isyu na kanilang tinatayuan.
Ipaglaban natin ang ating kalayaan at kasarinlan!
Huwag tayong pumayag na basta na lamang tayo bulihin ng China diyan sa West Philippine Sea!
Lumaban tayo!
Ipagtanggol natin si Tarriela na walang takot na lumalaban sa ating karapatan diyan sa West Philippine Sea.
Tama lang ang kanyang ginawa sa lider ng bansang China!
Dapat ay kondenahin at hwag nating hayaan na bastusin tayo ng mga taga-Chinese Embassy.
Tsk tsk Happy Chinese New Year po muna sa mga kapatid nating mga tsinoy at sa mga intsik sa buong mundo…salamat nga pala sa sinovac vaccine na nagdugtong sa buhay ng aming pamilya noong panahon ng pandemya.
Okay, balik tayo sa isyu.
Bago magsalita ang mga napakaraming mga eksperto tungkol sa isyu ng agawan ng teritoryo diyan sa may China Sea at sa tinatawag nating West Philippine Sea na wala naman pala sa mapa…halos namamalat na itong si Senator Rodante Marcoleta sa kakapaliwanag tungkol diyan na nasasantabi lamang dahil mas maingay at mas pinapaboran ng media ang mga nasa kabilang panig na hindi lamang nagagalit sa mga Chinese kundi nagpapakabida para ipakitang sila ay matatapang at tunay na lumalaban para sa ating kasarinlan…para sa ating kalayaan.
Halos magkangpuputol na rin ang litid ni Sen. Alan Peter Cayetano sa pagpapaliwanag kung alin ang tama kung si Tarriela o ang Chinese Embassy pero siya pa ang sinasabihang bobo at tanga ng mga tao na sila palang totoong mga TANGA AT BOBO!
Na ang totoo naman pala ay sila itong tunay na walang alam at maiingay lamang.
Sa pangyayaring ito na nagsalita na ang ilang mga eksperto na TUNAY na mga nakakaunawa sa kung alin ang totoo at tama tungkol sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo diyan sa WPS…lumilitaw na wala naman pala tayong karapatan na magalit at wala tayong karapatan para kondenahin at awayin ang China tungkol sa isyung yan dahil hindi naman pala talaga tayo ang may-ari noong sinasabi ninyo na sa atin.
Hindi atin.
Tapos gusto ninyong makipag-away at makipagbangayan kahit pa kanyo makipagdigma ay hindi kayo nakakatakot dahil kailangan nating ipaglaban ang ating nasasakupan at ating kasarinlan eh yun pala’y hindi naman talaga tayo ang may-ari at hindi natin sakop.
Hindi ba para tayong engot na ayaw nating magbigay ng bayabas dahil sabi natin ay atin ang puno kaya wag kayong kukuha niyan eh yun pala…kalsada ang nakakasakop ng lote na kinatatamnan ng puno at nasa labas ito ng ating pag-aari na lote.
O hindi ba noon pa man sa una nating mga kolum…sinasabi natin na ipaliwanag ninyo sa mga pilipino kung asan ba talaga ang pag-aari natin…pag-aari ng Vietnam, pag-aari ng Malaysia, at ang pag-aari ng China.
O eh di ngayon lumalabas na ang totoo na kung tutuusin pala ay hindi ang China ang maraming nasakop diyan sa pinag-aagawang teritoryo kundi ang Vietnam.
O ano ngayon?
Tsinador pa more!
Sa totoo lang…yang siyam na mga senador na sinasabi ninyong mga pro-China ay sila ang para sa inyong lingkod ay ang mga mambabatas na may tunay na mga puso para sa ating bayan at mga mamamayan.
Sila yung mga nakasalig sa katotohanan at kapakanan ng ating bansa at mga kababayan ang una sa kanilang mga paniniwala at mga ginagawa.
Mas kokonti sila pero sila ang may mga kukote…hindi natin sinasabi na wala yung iba pero okay, ihambing mo nga sila sa kanila?
Ang ipinaglalaban nila ay katotohanan, at lagi silang nakasakay sa mga tamang katwiran…sila na nga lang yung natatanaw natin na puwedeng magtama ng napakaraming pagkakamali na nagaganap ngayon dito sa ating bansa.
Ang uso kasi ngayon ay baliin ang batas at puwedeng bumali ng batas basta sila ay makapangyarihan at mas nakakarami at mas pinapaburan.
Kaya sa ating mga kababayan lalo na yung mga grabeng makabanat at sinasabing ang mga DDS daw at mga Tsinador ay mga bobo at tanga…SINO NGAYON ANG MGA BOBO AT TANGA?
Gustong makipag-away at halos naghahamon na ng giyera kahit malagay sa alanganin ang mga kababayan na inosente at pati na ang mga naghahanapbuhay na mga pinoy sa China na posibleng mawalan ng hanapbuhay…tapos eh walang mga alam o sadya lang itinatago ang totoo na hindi naman pala natin sakop yung hinahabol ayon sa mga mas nakakaintindi at may sapat na mga kaalaman tungkol sa usaping yan.
Yung isyu kay Binoe?
Yun sinabing weak ang mga kabatan ngayon?
Sus, yun ang katotohanan…ayaw nyo lang aminin…bukod sa weak at mga tamad…ayaw maiistorbo at matitigas ang ulo lalo at nakasalang ang mga daliri sa gadgets…hindi man lahat pero siguro ay nasa 80 porsyento!
Gising bayan…matuto po tayong pumanig sa tama at katotohanan…
