
Nu’ng pumasok sa showbiz ang Super Guwapong aktor, unang kumalat na intriga ay macho gay daw ang nasabing Papa. Ang daming girlash ang nagkakandarapa sa kanya. Pero chikang pumapatol din siya sa mga kapwa guwapo.
Nag-ingat naman si Papa Guwapo para magtuloy-tuloy ang kanyang popularity. Itinago niya ang closeness nila ng isang matinee idol. Iniwasan din niya ang dating friend na male singer na maganda ang katawan. Para huwag mabuking ang tunay niyang kalandian.
Niligawan ni Papa Guwapo ang isang magandang tv host. Sasagutin na sana siya ng girlash, pero biglang umatras manligaw at idinahilang busy na siya sa career.
Sumunod, jinowa ni Papa ang tisay na aktres. Ready na ang girlash magpabuntis at magpakasal sa kanya. Biglang umatras si Guwapo dahil sobrang busy daw sa career, na totoo rin naman.
Sunod d’yan, jinowa ni Papa G ang isang sikat na ramp model. Willing si girlash i-give up ang career niya para magpakasal sa kanya. Aba! Umatras si Guwapo at hindi pa raw handa i-give up ang pagkabinata. Eh, hindi na siya bumabata at guwapo na lang siya pero hindi na busy sa movie career.
Sino yaaaan?
