
Kilalang suki ng Salamat Po Doktor ang aktres na ito. Sobrang banidosa kasi si actress kaya bet niya na tulad ng mga pelikulang ginagawa niya ay iba’t-iba rin ang kanyang arrive. Minsan sa kapapa-enhance ng kanyang hitsura ay minsang hindi na rin siya makilala ng kanyang mga kaututang dila. Anyway, sexy naman si aktres pero tila naging adiktus na siya sa pagpaparetoke.
Isa rin daw ito sa mga dahilan kaya hiniwalayan siya ng kanyang ex. May isang pagkakataon daw na nagtangka na namang magpa-enhance ng mukha ang aktres na ito. Ang drama niya kasi ay bilang paghahanda raw ito sa role na kanyang gagawin. Nagkaayos na rin sila ng surgeon na gagawa sa kanyang fezlak.
Ang kaso, nang nasa operating room na raw si aktres ay bigla na lamang ipinatigil ang kanyang ‘salamat po doktor’ operation. Namaga raw kasi ang mukha ni aktres dahil hindi ito binigyan ng anesthesia na ginamit. Katunayan, muntik na raw malagay sa peligro ng buhay ng aktres na ito. Sinech ang aktres na ito na napurnada ang pagpaparetoke?
