

Trending ang ibinahaging photo ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram story. Sa kanyang post, makikita ang litrato ng kanyang kaibigang si Pernilla Sjoo kasama ang kilalang abogadong si Atty. Lorna Kapunan. Kuha ang larawan sa binyag ng kanilang anak ni Derek Ramsay na si Liana. Agad namang binigyan ng kahulugan ng mga usyoso ang nasabing post ni Ellen. Naintriga rin ang mga katkatera at sawsawera sa cryptic caption ng Cebuana celebrity mom na :”Kill the mosquito with an atomic bomb.”
Nang mai-share naman ito sa isang portal, naging usap-usapan ito ng mga nagmamarisol. Anila, nangangamoy daw ng demanda si Andi Eigenmann sa kampo ni Pernilla. Hirit pa ng kibitzers, tila palaban pa rin daw si Ellen in defense of her Swedish friend and photographer. Ito ang ilan sa mga komento ng mga nagmamahadera. “Anong tea ni Ellen? In beast mode pa rin ba siya kay Andi.” “Hehe. Nangangamoy demandahan.” “May pasabog na atomic bomb” “Ayaw paawat si teh. Ano ang binabalak ng kampo niya kina Andi at Philmar?” “Palaban si day.” “Sulsol pa more.” “Andi and Philmar, watch out!” “Affected pa rin si ateng.” “Smells something. May legal case na ba kina Andi at Philmar?”
Matatandaang hindi nagustuhan ni Ellen at ng kanyang mister na si Derek Ramsay ang pagkaka-drag ng pangalan ni Pernilla bilang third party sa naging kontrobersya noon kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Sa kanya kasing posts, may insinwasyon si Andi na ibinetray ang pagtitiwala niya ni Pernilla na may ka-match na tattoo sa kanyang partner na si Philmar. Bukod sa na-bash si Pernilla, naging traumatic din daw ang experience nito dahil nahusgahan umano ito ng netizens bilang home wrecker.
