
KAPAG ang balita o tsismis na nasagap mo na iyong isinapubliko ay kabaligtaran ng katotohanan o mali ang impormasyon at malayo sa totoo o tunay na nangyari…ang tawag diyan ay fake news.
Ang sabi nila ay laganap daw po ‘yan ngayon dahil sa napakarami na ngayon ang gustong maging reporter, vlogger, blogger at mga komentarista sa ayaw po ninyo o gusto.
Dumami na po kasi ngayon ang mga nagbabalita, nagkokomento o nagbibigay ng opinyon sa iba’t ibang isyu kabilang na ang balitang may kaugnayan sa pulitika, artista, sports at iba pang mga isyu.
Ang sabi nila, laganap daw ngayon ang fake news dahil sa pagsulpot ng social media.
Napakarami na raw mga vloggers at mga iba pang mga komentarista na ang ginagamit na platform ay ang Tiktok, youtube, facebook at iba pa .
At sila ang pinagbibintangan ngayon na siyang nagpapakalat ng napakaraming fake news(daw).
Tsk tsk totoo naman na marami din talagang vloggers ang iresponsable, bopols, at di alam ang mga sinasabi sa kanilang mga vlog.
Para lang makasali sa uso at para masabi na isa na rin siyang vlogger ay tuloy lang siya sa pagba-vlog kahit sablay na.
Nadadamay tuloy yun mga matitino at mahuhusay na vlogger na naghahatid ng sakto at tamang impormasyon para sa mga mamamayang pilipino.
Para sa inyo pong kaalaman, ang fake news po ay hindi lang naman ngayon nauuso…noon pa ‘yan.
Naalala ko nga ang joke noon ng publisher namin noong minsang nagkamali ang petsa ng aming sinusulatan na tabloid newspaper, ang sabi niya…”pambihira naman kayo…petsa na nga lang ang totoo diyan sa dyaryo natin minamali n’yo pa!”
Joke lang ‘yun pero kahit noon pa ay napakarami na rin mga fake news na nailalathala sa dyaryo, naibo broadcast sa television at radyo.
Ang kaibahan nga lang noon, pag narinig na sa radyo o nabasa na sa pahayagan at napanood sa telebisyon, kahit hindi yun totoo pinaniniwalaan na agad ng mga tao kasi wala namang ibang namumuna kung totoo yan o hindi di gaya ngayon na may mga vlogger na nagpo protesta kapag hindi tama ang naibalita.
At kapag may mga mali na itinatama at may nasasagasaan lalo na kung pulitiko…ayun umiiyak at sumisigaw sa galit at ipinagpipilitan na fake news yung sinasabi kasi siya ang natatamaan. Ha ha ha
At kahit noon pa, pag may nailabas na fake news at may apektadong tao o kumpanya at talagang nakakasira ito sa kanilang pagkatao o pag-aari ay demanda ang aabutin kung sino man ang nagpakalat ng maling balita.
Kaya yung mga pagbibintang ngayon na kesyo ang mga vlogger daw ay puro fake news ang mga sinasabi sa kanilang mga vlog eh hindi naman po totoo yan.
Maraming vlogger na fake news talaga pero mas marami pa rin yung hindi gumagawa ng ganoon.
Gago lang yung mga nagtuturo na mga vlogger lang ang nagpapakalat ng fake news.
Kahit nga sa mainstream media ay mas matindi pa nga kung tumirada ng fake news ang mga yan…padisente epek lang para hindi mahalata pero mas malupit silang maglihis ng balita.
Kadalasan, yun mga nagsasabing fake news si ganito at fake news si ganyan ay siguro madalas ay sila ang nauupakan ng mga yan.
Kaya para makaganti ay pagbibintangan na fake news kahit hindi naman.
Yung mga nasa listahan na ipinatatawag ng kamara na mga vlogger na sinasabi nilang fake news ang mga ginagawa, isa man sa mga yun ay wala pang pruweba na fake ang ginagawa kasi wala namang nagdedemanda o wala pang napapatunayan na fake news nga ang kanilang mga sinasabi.
Eh ang sabi, ipinatatawag daw po ang mga vlogger noon sa Kamara kasi para matalakay nga ang tungkol sa fake news at para mapin-point (daw) kung sino ang mga narco-vlogger o vlogger na funded ng pogo kuno.
Pumalag sila kasi ang sabi nila, tungkol sa fake news ang tatalakayin tapos iisang mukha ng mga vlogger na may magkakaparehong content halos na ang binabatikos ay ang mga isyu na may kinalaman sa pulitika at kapalpakan ng mga namamahala sa gobyerno.
At bakit sila lang nga naman ang ipinatatawag.
Kaya hayun, nagmatigas talaga sila na wag pumunta kasi tama rin naman…may karapatan sila na magsalita dahil tayo ay nasa isang bansa na malaya na nagtataguyod ng demokrasya.
Hindi pwedeng takutin at hindi pwedeng pigilan sa pagpapahayag ng kanilang mga opinyon at saloobin.
Magagaling na vlogger ang mga ‘yun!
Para sa akin,walang karapatan ang sinuman na magturo o magbintang sa mga personalidad na hindi pa napapatunayan na nagpakalat nga ng fake news.
Iisa lang po ang sagot sa problemang yan, pag nabiktima kayo ng fake news idemanda nyo agad.
Para maparusahan at madala.
May batas naman tayo at hayaan nating korte ang humusga kung sila nga ay nagpapakalat o hindi ng fake news.
Ngayon ay nagbabala kahit ang pangulo ng bansa na mag-ingat po tayo sa fake news…o ayan madam Claire, ingat din po kayo sa fake news ha!