


Si Andrew E, nuknukan na ng pagiging sikat and dubbed as the most successful rapper now in the Philippines pero never mo makikitaan, mariringgan o mararamdaman ng kayabangan.
The yabang comes inside his music, pero sa labas nun, normal na persona ng isang asawa, ama, kapatid, manugang, kaibigan at iba pa ang sinasalamin ng ‘di natin malimutan dahil sa kanyang ‘Humanap Ka ng Panget’ signature song.
Biniyayaan sila ng kabiyak ng puso niyang si Mylene ng 3 supling. Si Fordy, Jassley Fatima, at Ichiro.
Halos magkakasabay ang kaarawan sa buwan ng Abril.
Dahil natapat sa Semana Santa ito, nag-desisyon ang ama at ina’ng ipagdiwang ito sa Land of the Rising Sun na paborito talaga nilang puntahan sa tuwing may panahon sila para magbakasyon.
Pero bago sila lumipad ng Japan, naipamahagi na ng mag-asawa ang invitations nila para sa gaganaping en grande’ng debut ng kanilang unica hija sa Conrad Hotel sa kanilang pag-uwi.
Kung tatanungin mo ang tinitingalang rapper sa panahong ito, may misyon pa rin siya para sa mga kapwa niyang yumakap sa genre ng rap. Alam niya ang likaw ng bituka ng mga ito. Kaya kasama sa pinagsumikapan na nagtatag ng Dongalo Records na mapaigting ang career ng rappers sa bansa.
Isang katangi-tangi ngang nagawa ni AE para sa kanila ay nang patayuan nya ng bahay ang isang malaking lote niya na magiging halfway house ng kanyang rappers kung saan din inilagay ang recording studio para mas mabilis na nilang magawa ang mga kakailanganing trabaho.
Dito lang ba ‘yan? Hindiah.
Nagsumikap din si AE na makapagtalaga ng isang produksyon niya sa bayan ni Uncle Sam. Para naman kung doon ang shows niya eh, hindi rin sila mahihirapan pa lalo na sa mga gastos na kakaharapin.
There were so many nuggets of wisdom na naibahagi na si AE sa nga kapanalig niya sa world of rap, lalo na ang pinagdaanan niya to get to where he is now.
Toys for the big boys. Kung makikita niyo siya driving his top down car, itsura ng Hollywood star kay AE. Pero ‘di niya ‘yun ipinangangalandakan, at dahil nga mahilig din sa anime at iba pang laruan sa Japan, hindi mauubusan ng koleksyon si AE. Kaya they are always on a toy hunting escapade whenever they are in Japan.
At sa dalawang girls niya, PopMart is the place to be. Next to fashion apparel, makeup, shoes, bags and what have you!
Sa sayaw nahihilig si Jassley at Ichiro. Si Fordy ay sa musika naman nakatuon ang interes.
Pero prayoridad ng mga bagets ang paga-aral. At kapag natapos na ang dalaga sa kinukuha niyang International Baccalaureate sa IS, desidido itong magpatuloy ng kanyang kurso sa Amerika.
Ganyan kahusay na ama ang nag-iisang Andrew E. Nuknukan na nga ng pagka-sikat, but continues to stay grounded. A good provider, but most of all, a good man inside and out.
‘Yun na!
