
HABANG patuloy pa ring mainit na pinag-uusapan ang isyu tungkol sa ibenebentang P20 na isang kilo ng bigas na tumanggap ng katakut-takot na mga batikos mula sa taumbayan hindi pa man ito noon naipapatupad dahil bukod sa naging pasaring ni VP Sara Duterte na mura nga pero hindi naman ito pang tao kundi pang hayop ay itinaon pa ang pagbebenta nito kung kailan panahon ng eleksyon na para sa mga pinoy na nag-iisip ito ay magagamit ng mga kandidatong mapapaburan nito.
At hindi nga ito nagkabula dahil gamit na gamit talaga ng mga local government unit at iba pang mga pulitikong nakakapit sa mga kaalyado nila na may kaugnayan tungkol dito dahil nga panahon pa rin ito ng kampanyahan para sa mid-term elections.
Bukod sa talamak na vote buying na hindi naman lubos na natututukan sa ngayon ng comelec o nabibigyan ng sapat na atensyon dahil busy na ito sa nalalapit na araw ng halalan ay nadagdag pa ang isyu tungkol sa murang bigas na hindi maiwasang gawing isyu ng pamumulitika sa panig ng mga pulitikong may inilalabas na mga ganito na hindi nga malaman kung ibenebenta pa ba o ipinamimigay na upang sila ay makakalap ng siguradong suporta at boto sa paparating na eleksyon.
Kaugnay nito ay nagpalabas ng pahayag ang Commission on Elections (COMELEC) sa pamamagitan ni Comelec Chairman George Garcia patungkol sa pamahalaan na ang ganitong proyektong pagbebenta ng murang bigas ay ipatupad lamang kapag natapos na ang eleksyon sa Mayo 12, 2025.
Bukod sa pagbebenta ng murang bigas ay sakop din umano ng 10 araw na pagbabawal ng pamamahagi ng anumang uri ng tulong, ayudang pinansyal at social assistance ang local government units.
Exempted lamang umano mga piling tindahan ng Kadiwa na maaring magbenta ng P20 kilo ng bigas dahil hindi ito saklaw ng 10 araw na ban at bilang suporta na rin sa programang ito ng Department of Agriculture subalit hindi umano ito dapat na magamit sa pulitika na una nang ibinibintang sa mga nakaisip ng ideyang ito.
Matatandaan na ang sinasabing P20 na isang kilo ng bigas na ibenebenta sa mga Kadiwa stores ay una nang binatikos na ibinebenta rin sa Visayas pero wala naman sa Luzon at Mindanao.
Bagama’t nagpalabas ng ganitong anunsyo ang Comelec, may mga komento pa rin at katanungan kung kaya ba nitong maipigilan ang talamak na paggamit ng mga LGUs sa proyekto ng murang pabigas.
Lalo pang lumutang ang alegasyon ng pamumulitika na nakakapit sa murang bigas project na ito dahil bakit hindi umano ito gawin sa lahat ng palengke sa buong Pilipinas tulad ng nararapat kung talagang seryoso ang pamahalaan na ito ay para sa kapakanan ng lahat ng mga pilipino at hindi ipagbili lamang sa piling mga tindahan at pinadadaan pa sa kamay ng mga LGU at iba pang mga pulitika