


TALAGANG star na star sa mga panahong ito si Kathryn Bernardo. Pagkatapos niyang maagaw ang atensiyon ng publiko sa kanyang naging pagrampa sa Bench Body of Work Fashion Show ay muli na namang nakaw-eksena ang kanyang pagrampa sa katatapos na ABS-CBN Ball 2025.
Malaki at masayang okasyon iyon para sa mga Kapamilya at kaibigan ng ABS-CBN, lalo na ng kanilang mga Alagang artista. Kaya inabangan kung paano kaya kung sa kanilang pagdalo ay magkaharap sina Kathryn at ang dati niyang ka-loveteam, nakarelasyon at nakahiwalayang si Daniel Padilla?
Namataan at unang napansin agad, kahit hindi sila magkatabi ay halos magkapareho ang kulay ng mga suot nina Kathryn at Daniel.
Nagkataon lang siyempre iyon.
Pero kung pagmamasdan ay parehong maaliwalas ang mga mukha nina Kathryn at Daniel.
Halata sa magandang mukha ni Kathryn ang sobrang saya na dinadala niya ngayon, dahil bukod sa wala halos patid na suwerteng dumarating sa kanyang buhay ay siya ngayon ang Asia’s Box Office Superstar.
Si Daniel naman, sa kabila ng kanyang kaabalahan sa taping ng napupuri at patuloy na pinapaganda at sinusubaybayang teleserye, ang “Incognito” ay dumating sa party na mukhang kumpleto sa pahinga dahil fresh na fresh ang kaguwapuhan.
Nakakaaliw ang magkahiwalay na kaganapan tungkol sa lovelife nina Kathryn at Daniel. Parang kahit sinabing sumuko na si Alden Richards ng panliligaw sa aktres, ay sweet naman sila kapag magkatabi. Umugong din ang closeness nina Kath at ng napakasimpatikong Mayor ng Lucena City na si Mayor Mark Alcala.
Habang si Daniel naman ay mayroon daw nakilalang magandang babae na nag-aaral sa Baguio City at pinopormahan na ng ligaw.
Hayun! Tinanong na sina Kathryn at Daniel sa magkahiwalay na interview, kung kumusta na ba ang kanilang mga puso? Mayroon na ba silang bagong karelasyon?
Hayun! Tinanong na sina Kathryn at Daniel sa magkahiwalay na interview, kung kumusta na ba ang kanilang mga puso? Mayroon na ba silang bagong karelasyon?
Sagot naman ni Daniel: “I’M VERY HAPPY. I’M VERY AT PEACE.
Puna ng marami, anuman ang nangyari sa dating relasyon nina Kathryn at Daniel ay sobrang bagay talaga sila. Na kung hindi man sila magkabalikan, kahit man lang sana sa project ay magkasama na ulit sila.
Hindi naman imposible iyon. Lalo na kung napatawad na ni Kathryn si Daniel. Lalo na kung mapansin ni Ma’m Charo Santos-Concio na naroon pa talaga ang kilig sa tambalan ng Kathniel, tulad kung paano nakita ni Ma’m Charo ang kilig kina Julia Barretto at Joshua Garcia pagkatapos nilang maghiwalay, at nang gawin ng Star Cinema ang “Un/Happy For You” ng Joshlia ay kumita sa takilya.
Abang-abang lang ang Katniel fans. Huwag mawalan ng pag-asa. Nasa tamang panahon at pagkakataon lang yan. Dahil sa totoo lang, sobrang bagay pa rin sina Kathryn at Daniel kahit para sa isang project, di ba? Kahit doon lang
