Sino ang ‘TOTGA’ ni Jolina at Marvin?
Kumapit kayo, mga kaps, dahil ‘MarJo’ (Marvin-Jolina) is back at ready na naman tayong pakiligin! Oo, mga teh, matapos ang ilang dekada ng pangungulila ng mga fans sa tambalang ito, heto na ulit sila with a brand-new feels trip—ang pelikulang ‘Ex Ex Lovers’ na ipapalabas sa February 12, 2025!
Ang ating peg na peg, si Jolina Magdangal, ay aminadong natutuwa at kinikilig sa naging impact ng tambalan nila ni Marvin Agustin noon. “Ako, kinikilig ako!” aniya, lalo na’t nalalaman nilang sila ang naging inspirasyon ng maraming tao. At now na pak na pak ang comeback nilang dalawa sa big screen, mas lalong lumalangitngit ang kilig!
Aminin na natin, nini, kung may hall of fame ang mga love teams na hindi nagkatuluyan pero chemistry pa more, pasok na pasok diyan ang ‘MarJo!’ Sa totoo lang, blessing in disguise daw na hindi sila nagkatuluyan sa totoong buhay dahil mas maganda raw ang relasyon nila ngayon. Pero wait—hindi kaya sila mismo ang ‘TOTGA’ ng isa’t isa?
Sa bawat simpleng kilitian at chika chuvanes nila, walang halong eklavu, kitang-kita na may something pa rin. Alam mo ‘yung aura nila na parang may unfinished business? Ganyan, sis! Pero sabi nga ni Jolina, “Minsan hindi na namin tinitingnan ni Marvin, hindi na namin pinapanood kung ano yung naging eksena namin… basta makita ko lang sila Direk saka maiyak sila or matawa sila, kiligin sila, that’s it pansit, iyon na yun!”
Hugot, kilig, at reality check ang dulot ng ‘MarJo’ sa ‘Ex Ex Lovers’.
Matagal na raw nilang dream project ito—imagine, sinimulan pa noong 2018! At after seven years in the making, finally, mapapanood na natin. Pero hindi lang daw ito puro pakilig at pa-sweet, kundi may lalim at hugot na swak na swak sa mga relasyon ngayon.
“Iba ‘yung substance na nilagay ng buong team doon sa backdrop ng kulitan at saya lang. May hugot at may lalim silang mare-realize especially for couples kung ano ‘yung mga pinagdadaanan ngayon,” ayon kay Marvin.
At winner pa, mga mars, kasi kasama rin dito sina Loisa Andalio at Juan Carlos ‘JK’ Labajo bilang sina SC at Joey, na siguradong makikipag-jam sa love story nina Joy (Jolina) at Ced (Marvin). “Napakagaling ng dalawang batang ito sa pelikula, sabi ni Marvin.”
Kasama din sa pelikula sina Mylene Dizon at ang nag-iisang, Ms. Judy Ann Santos.
Hatid ng ‘Ex Ex Lovers’ ang old school kilig plus matching bagong flavor shempre.
Excited si Jolina dahil bagong atake ang ginawa sa pelikula, lalo na’t ang mga involved sa likod ng proyekto ay pawang genius levels pagdating sa modern storytelling—sina Direk JP Habac, kasama ang panulat ni Antoinette Jadaone at Kristine Gabriel. Produced by Project 8 Projects, Cornerstone Studios, Sineng Labuyo Entertainment and CMB Film Services Inc., distributed by Warner Bros. Pictures.
“And iba na rin yung ideas ngayon ng paggawa ng pelikula at ng istorya,” ayon kay Jolina. Meaning, same old kilig na minahal natin noon, pero with a fresh and modern twist na siguradong makakarelate ang lahat!
At wait lang, sis, may bonus pa! Ang official soundtrack ng pelikula ay walang iba kundi ang classic na ‘Tuloy Pa Rin’ ng Neocolours—pero this time, inawit mismo ni Jolina! Grabe, throwback feels to the highest level!
Mark your calendars, mga kaps!
Kung gusto mong maramdaman ulit ang classic ‘MarJo’ magic, this is it, mga nini! ‘Ex Ex Lovers’ is set to hit the cinemas on February 12, 2025, kaya go na go na ang ferson! Huwag na tayong magpaka-nega, dahil once in a lifetime lang ‘to. Sino ba naman ang hindi gustong ma-rewind ang kilig ng ’90s at early 2000s, ‘di ba?
Ready na ba kayong ma-LSS sa ‘Tuloy Pa Rin’ at magbalik-tanaw sa feels ng nakaraan? Abangan na natin ang ultimate ‘MarJo’ reunion movie na ito—baka dito na natin makita kung sino nga ba talaga ang ‘TOTGA!’