

NAGSIMULA nang umatake ang mga kontrabida sa popularity ni Vilma Santos. Inintriga kaagad siya na umano’y pamumulitika na yong ginawa niyang pagpunta sa burol ng yumaong Movie Queen na si Ms. Gloria Romero, dahil isa siya sa mga unang artistang nakiramay sa pamilya ng yumao.
Napakabait ni Ms. Gloria Romero kay Vilma. Aliw ang yumao sa naging tagumpay ni Vi sa showbiz career nito, hanggang sa pulitika. Nagmarka sa masa noon ang kanilang pagsasama sa “Lipad, Darna, Lipad!” kung saan bilang kontrabida ay gumapan na Impakta si Ms. Gloria Romero, na naging blockbuster sa takilya
Sa panimula ng movie career ni Vilma, nung child star pa lang siya, isa sa unang tatlong magkakasunod na pelikulang ginawa ng Star for All Seasons noon ay una niyang nakasama si Ms. Gloria Romero sa pelikulang “Anak, Ang Iyong Ina” noong 1963, nasundan agad ng “Iginuhit Ng Tadhana” hanggang sa magdalaga, magkaasawa’t magkaanak si Vi ay umabot sa 14 na pelikula ang kanilang pinagsamahan. Huli silang nagkasama sa “Kapag Langit Ang Humatol”.
Ipinagpapasalamat ni Vilma, na sa kabuoan ng kanyang showbiz career, ay hindi naging maramot sa kanya ang mga mas naunang artista na binigyan niya ng respeto tulad din ng mga pumanaw nang sina Nida Blanca, Charito Solis, Anita Linda, Armida Seguion-Reyna, Dolphy, Eddie Garcia, Eddie Rodriguez at Fernando Poe, Jr.
SUNSHINE CRUZ, SIMPLENG BABAE KAYA DAPAT MAHALIN
DAHIL ismarte ang dating ng pagdadala ni Sunshine Cruz ng kanyang personality, lalo pa’t maganda ang height niya, sexy, maganda na mas mukhang bata kumpara sa kanyang edad, ay iisipin ng iba na sobrang class ang kanyang lifestyle.
Sa totoong buhay, sa likod ng kamera, si Sunshine ay may natural na kasimplehan. Mapagmahal siya sa angkan nila, lalo na sa kanyang magulang at mga kapatid. Sa dami ng mga lalaking nanligaw sa kanya noon ay hindi siya naintrigang nagpapalit-palit ng karelasyon bago nakasal kay Cesar Montano na humantong din sa hiwalayan.
Nagbibigay si Sunshine ng panahon kapag siya’y nagmamahal at nakapaloob sa relasyon. Tutok siya sa pagiging maalaga, kaya napalaki niya nang maayos ang mga naging anak nila ni Cesar.
Nagtagal din ang naging relasyon ni Sunshine kay Mr. Macky Mathay, na nauwi rin sa hiwalayan.
Melchor
Ang mayamang businessman na si Mr. Atong Ang ang malapit sa puso ngayon ni Sunshine. Napakabait daw ni Mr. Ang. Na sana lang, kung magtagal ang kanilang relasyon ay huwag iyong maging dahilan para si Shine ay huminto na sa pag-aartista.

