

Pinalagan ni Maritess Gutierrez, ang nag-iisang anak ng pumanaw na Queen of Philippine Movies na si Ms. Gloria Romero ang tungkol sa kumalat na art card kung saan ay nakasaad umano ang last will and testament ng movie icon.
Ayon sa pamilya ni Gloria, walang basehan, walang katotohanan at walang ebidensiya ang pagsasa-publiko ng nasabing mga yamang iniwan ng yumaong aktres sa mga naiwang pamilya.
Si Ms. Romero ay yumao noong Enero 25,2025 sa edad na 91. Pagkatapos ng halos tatlong araw na lamay sa Arlington Memorial Chapel sa Araneta Avenue, Quezon City, na dinaluhan ng mga kaibigan at kapwa niya mga artista noon pang Sampaguita Pictures days, sumailalim sa cremation ang labi ni Ms. Gloria noong Jaruary 29, Miyerkules ng umaga.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng pamilya ang legal na action laban sa nagpakalat ng pekeng art card para mapanagot sa batas ang mga taong responsable sa mga pekeng art card.
Nakasaad daw sa kumalat na art card, kung anu-ano ang mga ari-ariang naiwan ng yumaong reyna at kung magkano ang halagang iniwan niya sa anak, at pamilya.
Nauna nang naibalita ang umano’y ang pagdo-donate ng malaking halaga para sa pagpapatayo ng Movie Queen ng paaralan sa kanyang bayang kinagisnan sa Pangasinan.
Si Maritess ay ang nag-iisang anak ng Movie Queen sa dati ring actor na si Juancho Gutierrez, na nauna nang namaalam sa mundo ng showbiz taong 2005 dahil sa diabetic stroke na nagparalisa sa dating actor. Nagkaroon ng isang apo si Ms. Gloria kay Maritess, si Chris Gutierrez.
* * * * * * *
Nagbigay ng pahayag ang kontrobersiyal direktor ng ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ na si Daryll Yap sa lumabas na pahayag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na balitang nasa poder na umano ng ahensiya ang kanilang TROPP movie for review?
Nilinaw pa ni Yap na ang humahawak ng film distributor ang may karapatan for submission sa MTRCB and Yap was initially informed that the materials were accepted.
Kabaligtaran sa umano’y balitang wala pa sa ahensiya ang material ng ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ for review?
Kaya lang, Yap later received a letter requesting additional requirements, which Yap claimed were not asked for in his previous films.
Iginiit umano ni Direk Yap that he had no intention of misleading anyone and was simply updating followers about the film’s progress.
Bagama’t nirerespeto daw ni Yap ang MTRCB at ang authority nito as a Review and Classification Board, pinalagan umano nito ang animo’y portrayed siya as ‘dishonest’
.
Aniya, “Kung hindi pa pala nila ni-review, okay,” sagot ni Yap.
Dagdag pa niya, “Pero huwag akong gawing sinungaling sa maliit na detalye.”
Sinabi pa ni Yap ang kanyang concern that delays (of the film’s promos) could affect the target date of showing on February 5 due to financial limitations.
Alam kaya ni Direk Darryl Yap na ang binangga nitong si Vic Sotto ay kapatid ng dating senator na si Tito Sotto, na tatay naman ni MTRCB Chairwoman Lala Sotto? Just asking kung relevant?


