

SERYOSONG bagay para kay Piolo Pascual ang tungkol sa livelife niya. Kahit kailan ay hindi naman siya nagmadali na magkaroon ng karelasyon. Pero kapag pumasok siya sa isang relasyon ay tiyak niya sa kanyang sarili na malalim iyon at hindi siya nakikipaglaro lamang.
Pagkatapos ng naunsiyami nilang relasyon ni KC Concepcion, ay kung sino-sinong aktres na ang na-link kay Piolo, pero ang dulo ng lahat ay lumalabas na nakikipagkaibigan lang talaga sa kanila ang guwapo at mahusay na aktor.
Hindi naman busy-bisihan sa salitang showbiz ang paulit-ulit na dahilan ni Piolo na busy siya lagi sa kanyang career. Dahil may mga pruweba naman siya. Hindi siya nababakante sa paggawa ng pelikula at lagi ring may teleserye. Movie producer na rin siya. Marami na siyang pinasimulang business, at isa sa kanyang mga negosyo ay kasosyo niya si Kathryn Bernardo.
Simple lang palagi si Piolo, pero nirerespeto na siya ng mga kapwa niya artista, dahil sa ngayon ay isa na siya sa pinakamayamang aktor sa showbiz, dahil sa kanyang kasipagan at itinagal ng kanyang kasikatan.
Lampas na ang edad ni Piolo sa tamang gulang ng isang lalake para mag-asawa. Nagwi-wish din ang kanyang mommy na si Mrs. Amy Pascual, na balang araw ay lumagay din sa buhay may asawa si Papa P.
Sa edad ngayon ni Piolo at sa patuloy niyang tagumpay sa showbiz, ay happy siya na nagbinatang napakabait ng kanyang anak na si Inigo Pascual, na bukod sa magaling na singer ay isa na ring mahusay na aktor.


HERLENE BUDOL, MAS GUSTO NG MGA TAO BILANG ARTISTA
NAGBUNGA ng maganda para ka Herlene Budol ang mga sablay niyang pagsali noon sa Beauty Pageant, kung naging kontrobersiyal siya. Natandaan siya ng mga tao, kaya naman nang pagkatiwalaan siya ng GMA-7 na magbida sa teleserye ay pumatok iyon sa masa. Pinanood at kinaaliwan siya.
Ipinagkatiwala ng Siyete kay Herlene ang “Magandang Dilag” na nagtagal sa ere. Doon nagustuhan at napansin ng mga manonood na mas bagay siyang mag-artista kumpara sa ambisyon nitong maging Beauty Queen. Ngayon ay bida siyang muli sa bago niyang teleseryeng “Binibining Marikit” kasama sina Pokwang ay Tony Labrusca.
Samantala, hindi na dapat pagtakhan kung bakit sumusuporta si Herlene sa kampanya ng Ahon-Mahirap Partylist na ang first nominee ay si Wilbert Tolentino. Magkaibigan kasi silang dalawa, at naging talent manager din ng Kapiso star si Tolentino.
Bilib si Herlene kay Wilbert, dahil sa isang kilalang pilantropo si Tolentino, negosyante, talent manager at social media influencer na aktibong sumusuporta sa iba’t-ibang charitable causes at naglalayong mag-enpower ng mga disadvantage communities at mga nasa laylayan.
Happy si Wilbert, dahil pagkatapos ng mga kontrobersiyang pinagdaanan ni Herlene, ay mas gumaganda pa ngayon ang movie career ng napakaselsing aktres, at mabango ang pangalan nito sa bakuran ng GMA-7.
