
HALATANG-HALATA ang pakikisakay ng isang bading na singer sa kontrobersiyal na guwapong aktor na nitong huli ay biglang pinag-usapan sa showbiz dahil gumawa ng kakaibang desisyon sa kanyang movie career na ikinagulat ng marami.
Mabait ang guwapong aktor, mapakisama. Kaya naman nitong magkaroon siya ng kakaibang desisyon sa kanyang career na ikinagulat ng marami, ay bigla siyang pinag-usapan, laman ng mga balita kung saan mas marami ang humanga, umunawa at nagtatanggol sa kanya sa isyung kinasangkutan.
Inili-link ngayon si Bading na singer sa guwapong aktor. Hindi naman daw iyon relasyon, kundi may “trabaho” daw silang pagsasamahan. Magaling din kasing sumayaw at kumanta ang guwapong aktor.
Trabaho naman talagang pagkakakitaan ang hanap ni guwapong aktor. At dahil kontrobersiyal siya ngayon, ine-enjoy ngayon ni bading na singer na libre siyang mapag-usapan gamit ang kontrobersiya ng aktor, dahil kailangang umingay sa showbiz ang name ng bading na singer, sa pamamagitan ng publicity, dahil may ipino-promote siyang bagong kanta. ‘Yun na!