


1996 ‘yun ng una siyang sumalang sa Campus Diner sa pusod ng Kamaynilaan. At ng sumunod na taon, 1997 sa Jefz CafĂ© ni Jeffrey dela Cruz sa Leon Guinto naman, malapit sa Philippine Women’s University.
Hanggang sa nakita na ng may-ari ng The Library sing-along bar na si Mamu Andrew de Real ang talento niya sa pag-kanta. 1998 ‘yun.
Nagtiyaga si Erwin Ramos, o mas kilala sa tawag na ‘ER’ sa mundo ng sing-along bars at nagtuluy-tuloy na sa pagsabak sa mundo ng stand up comedy.
Ngayong Sabado, Pebrero 22, 2025 ay opisyal na siyang ‘Golden Girl’. Singkwentan siya!
Kaya minabuti ng pamunuan ng sinasalangan niyang comedy bar ngayon, ang Music Box [powered by the Library] sa Timog na bigyan siya ng special birthday concert, ang ‘Kwentong Singkwenta’.
Magno-nostalgia ba si ER with the songs he will render on that special night with his special guests?
“Masarap din lang balikan at pag-usapan kahit kapirot ang mga kinaharap ko nung nag-start ako sa sing-along world. Through the songs na kakantahin ko, ipadarama ko sa mga manonood how it was, what I went through.
“Gaya ng kapag isang baguhan ka, wala ka pang boses sa mga seniors mo o mga nauna sa’yo. Tahimik pa mandin ang personalidad ko. Pero kahit nasa isang sulok ka muna, nakikinig kana at ninanamnam mo ang mga itinuturo nila sa’yo base rin sa mga napagdaanan nila.
“Ano ba naman ang alam ko that time. Humawak lang ng mic at kumanta. Wala pang power magbigay ng opinyon sa pamamagitan ng pagpapatawa sa mga tao.
“Pero kapag pursigido ka, kakayanin mo rin pala ang kayang magawa ng mga nauna na sa’yo sa entablado. Ayaw ko mapagiwanan. Alam ko sa sarili ko na hindi dapat na ganun na lang ako. Na walang alam. Kaya natuto ako. Nag-aral. Nag-masid. Nakinig. Hanggang nakaya ko ng mag-isang tumayo sa stage. Sa sarili ko. Para patunayan ang sarili ko. Na ‘di lang naka-depende sa kasama ko sa entablado. Na may lugar din pala ako sa mundo ng hosting at komedya gaya nila.
“More or less ilan lang ‘yan sa maibabahagi ko sa aking show this Saturday. Paano ako nag-start. At napunta sa mundo ng stand up comedy. Ang mga naging inspirasyon ko. Ang advantages and disadvantages of being a host. Na, kapag nasa stage ka na hawak mo na ang oras at tao. Nasasayo ang lahat ng kapangyarihan para manipulahin ang kasiyahan ng buong gabi kasi ‘yun naman talaga ang goal ng isang komedyante. Ang mapasaya ang tao pag sumampa ka na sa stage.
Ang disadvantage naman eh hindi lahat ng tao maiintindihan ang gawa mo o sinasabi mo sa pagpapatawa mo sa stage. Maraming magagalit sa’yo kasi para sa iba pangit ang ginagawa mo sa stage. Hindi nila naiintindihan na ‘joke lang’ ang lahat na ‘it’s all for fun’. We can never please everyone ‘ika nga but in the end, we still need to do what we need to do on stage. Kasi dun tayo binabayaran sa trabaho natin.
“Kung may ipapayo ako sa mga baguhan, go lang ng go. Lahat tayo nag-start sa walang alam. Habang tumatagal matututo tayo at hindi habambuhay na junior tayo at walang alam. Pero payo ko lang na huwag lumaki ang ulo lalo’t nakilala na o sikat na. Kasi hindi habambuhay na komedyante tayo. Darating ang oras na mawawala tayo sa trabahong ito. Kukupas at makakalimutan. Kaya enjoy ka lang hangga’t kaya mong magpatawa.
“May isang paalala ang nasirang Phillip Lazaro, ang mentor ng karamihan sa amin. Na ang pagiging komedyante ay walang tigil na learning process. Kaya huwag kang mag-stay dun sa kung ano lang ang alam mo. Mag-aral ka ng mag-aral para tumatag ka at matuto sa buhay ng entablado. Kaya sila ang mga pasasalamatan ko mula sa kaibuturan ng aking puso. Kay Boss Jeffrey dela Cruz at Mamu Andrew de Real. Kasi umabot ako ng ganito katagal sa entablado almost 30 years and still counting.”
Akala ng maraming nakakakita o nakakapanood sa kanila sa mga set nila sa comedy bars, ingay lang sa kanta at pagpapatawa ang alam ng gaya ni ER.
Wit and humor are things na hindi madaling ibuga sa entablado kung wala kang timing at sense of being mindful of what’s happening around you.
Muling patutunayan ni ER ‘yun. At sasamahan siya ng mga guests niya na sina Rizza Salmo, Kurt Fajardo, Noelle Barcena, Jacky Gimena, Francis Martinez at ang direktor ng show na si Gie Salonga, na just like him, have the knack to sing, make people laugh and entertain the way it should be!
Ito ang kwento ni Erwin ‘ER’ Ramos. Bow!
Happy birthday, ER and advanced congratulations!
