
Inilabas na ng TBA Studios ang ilang cast na bubuo sa pagsasadula ng “Quezon” ang third installment sa trilogy ni Jerrold Tarog. Naging kontrobersyal naman sa kibitzers ang napiling lead actor nito na gagampanan ni Jericho Rosales. Sa sequel kasi ng “Heneral Luna” na “Goyo: Ang Batang Heneral” na ginampanan ni Paulo Avelino noong 2018, si Benjamin Alves ang gumanap bilang nakababatang Manuel L. Quezon samantalang ang older version naman niya ay binigyang buhay ni TJ Trinidad.
Dahil sa pandemya at iba pang kadahilanan, naurong ang pagsasapelikula ng last installment sa nasabing trilogy ng acclaimed director. Sa biographical drama naman ni Matthew Rosen na “Quezon’s Game” si Raymond Bagatsing naman ang nagbigay buhay sa role ng dating pangulo ng Commonwealth. Sa isang portal, nagkaroon naman ng pagtatalo-talo ang mga tsismosang kapitbahay hinggil sa pagkakapili kay Echo bilang aktor na magbibigay buhay sa papel ng Ama ng Wikang Pambansa at ikalawang president ng Pilipinas.
Anila, hindi raw bagay ang Kapamilya actor sa naturang role dahil sa kayumanggi features nito. May mga nanghihinayang din dahil hindi si TJ o kayaý si Benjamin ang pinili sa nabanggit na papel. Gayunpaman, may mga nagtatanggol din naman kay Echo na sa palagay nilaý kayang gampanan ang nasabing iconic role. Ito ang ilan sa kanilang mga komento. “Hala, bakit hindi kinuha yung gumanap sa Goyo?” “Whaaaaaat siya nga” “No doubt, magaling si jericho sa actingan. Pero mas mestizo kasi ang look ni MLQ. Parang bagay siya kay Ian veneracion kaso yun nga lang, yung portrayal naman ng younger years niya ang magiging problem.” “No offense pero MLQ is a spanish mestizo diba?

” “Great choice” “para sakin mas fit if TJ Trinidad will play the role of MLQ.he has the demeanor and the ‘closest’ looks of MLQ.but to Jericho magaling din naman sa actingan yan but i dont see him as MLQ parang nasira lang yung continuity ng trilogy” “Trew! Mas kahawig ni TJ kaso hindi na yata siya active?”
“Kung sa look, sige. TJ. Pero tandaan natin na magaling na artista si Eco. Although for me, Raymond Bagatsing has set the standard for a Quezon portrayal so tall order if he’ll be able to be at par or exceed the former’s Quezon.I hope Eco pulls it off!” “Raymond Bagatsing is a good fit. Pero baka need nila ng younger actor?” “What happened to Benjamin Alves? IIRC sya yung naka-cast as MLQ sa Luna?” “Exactly!!!! And to think dapat tisoy si Quezon kasi may spanish blood. Tsaka diba dapat magaling mag english kasi madaming friends si Quezon na americans”
“Hmm reasonable naman. Pero sayang lang. Si Tj, Benjamin, or Sid ang pasok sa banga! Hahaha” “Hindi ba nila naisip si Ian Veneracion?” “Correct me if i’m wrong pero diba si quezon mestizo siya?? I love echo, but shouldn’t the role go to someone who’s mestizo too??” “Hindi na si Alvez?” Bukod kay Echo, napili rin si Karylle na gumanap bilang Aurora ang maybahay ng nasabing national hero.
