

Sa mundong puno ng makabago at banyagang impluwensya, may isang babae na buong pusong ipinagmamalaki ang pagiging Pilipino. Siya si Teacher Jean, isang proud Bisaya mula sa Butuan City, Mindanao, na may adhikaing buhayin at ipagmalaki ang ating kultura, wika, at kaugalian.
Sa kanyang programa, ‘Filipino at Heart with Teacher Jean’, na mapapanood simula ngayong Linggo, February 23 at 6:30 AM sa GTV, iniimbitahan niya tayong lahat na mas lalong kilalanin at yakapin ang ating pagka-Pilipino. Pero hindi lang ito isang show—isa itong makabayang kilusan na nagbibigay-pugay sa ating kasaysayan, sining, at mga gurong bida sa edukasyon.
Higit pa sa pagiging isang mahusay na guro, si Teacher Jean ay isang inspirasyon. Ang kanyang kwento ay patunay na ang tunay na yaman ng isang Pilipino ay ang pagmamahal sa bayan at ang malasakit sa kapwa.
Mula sa pangamba ay tinuon ni Teacher Jean ang kanyang buong sarili patungo sa pagtanggap ng mga bagay na hindi niya nakasanayan.
Hindi naging madali para kay Teacher Jean ang humarap sa telebisyon bilang isang host at harapin ang buong bansa.
“Bisaya ako. My accent is matigas. Paano ‘yun kapag nagkamali ako sa TV? Dapat kapag teacher, dapat perfect ka sa TV. Baka pagtawanan ako because of my accent,” inamin niya.
Pero imbes na magpatalo sa duda, ginawa niya itong inspirasyon.
“There is beauty in regionalism,” aniya. Sa halip na itago ang kanyang Bisaya accent, ipinagmamalaki niya ito bilang simbolo ng yaman ng ating wika at kultura.
Isa pang hamon sa kanya ay ang kanyang edad.
“I’m almost sixty. I’m not here para sumikat pa but to be of service to my fellow teachers at sa lahat ng Pinoy. I am here because I want to serve,” patuloy ni Teacher Jean.
At ‘yan ang tunay na bida—hindi para sa kasikatan, kundi para sa tunay na paglilingkod.
Isang Programang Nagpapasaya, Nagpapamulat, at Nagpapainspire!
Ang ‘Filipino at Heart’ ay isang programang nagpapasaya, nagpapamulat at nagpapa-inspire, at hindi lang ito basta educational show—ito’y isang masayang kwentuhan ng kultura, kasaysayan, at inspirasyon. Dito, walang dull moment dahil bawat episode ay puno ng sigla at pagmamalasakit sa ating pagka-Pilipino!
Ano nga ba ang mga aabangan sa show?
Kwento ng Inspirasyon – Mga gurong dedikado, estudyanteng pursigido, at pamilyang may malasakit sa komunidad.
Lakbay Kasaysayan – Mga pasyal sa makasaysayang lugar sa Pilipinas para mas lalong maunawaan ang ating pinagmulan.
Likha at Sining – Mga obrang Pilipino, mula sa habi ng mga katutubo hanggang sa makukulay na sining-biswal.
Lutong Bahay, Lutong Puso – Masasarap na pagkaing Pilipino na nagpapakita ng ating pagiging malikhain sa kusina.
Himig at Sayaw – Musika at talento ng mga Pilipino, mula sa tradisyonal na awitin hanggang sa modernong tunog.
Bida sa Edukasyon – Mga gurong tunay na bayani sa larangan ng edukasyon.
Sa bawat segment, makikita natin ang husay, galing, at pusong Pilipino na hindi dapat malimutan.
Edukasyon para sa lahat ang adbokasiya ni Teacher Jean. Pero hindi lang sa TV makikita ang pagmamahal ni Teacher Jean sa edukasyon—ramdam ito sa kanyang mga gawa.
“One of my advocacies is to give scholarships. I want to be a blessing to others since I started from scratch,” ani niya.
Mula 2001, nagbibigay na siya ng maraming scholarships sa mahihirap ngunit masisigasig na estudyante. Bukod pa rito, mahigit dalawampung taon na siyang namimigay ng notebooks, school supplies, uniforms, at damit sa mga estudyante sa pampublikong paaralan.
Para sa kanya, walang hadlang ang kahirapan basta may determinasyon kang magtagumpay.
“May pag-asa kahit isa kang mahirap basta may determination ka to succeed.”
At ito ang tunay na diwa ng edukasyon—ang pagbibigay ng pag-asa sa bawat Pilipino.
Hindi lang isang show ang ‘Filipino At Heart’, — isang pamana rin ng puso Ang programang ito para sa Pilipinas.
Ang ‘Filipino at Heart with Teacher Jean’ ay hindi lang tungkol sa kultura—ito’y tungkol sa pagmamalasakit, pagtutulungan, at pagmamahal sa bayan. Isa itong pamana para sa susunod na henerasyon, isang paalala na kahit saan tayo makarating, ang dugong Pilipino ay dapat ipagmalaki.
Sa bawat episode, itinuturo ni Teacher Jean na ang pagiging Pilipino ay hindi lang tungkol sa kung saan ka ipinanganak—ito’y tungkol sa kung paano mo pinangangalagaan ang iyong kultura at ginagamit ang pagmamahal na ito upang magbigay liwanag sa iba.
Kaya tutok na tuwing Linggo, 6:30 AM sa GTV, at sama-samang ipagdiwang ang puso ng pagiging Pilipino kasama si Teacher Jean!
Dahil sa dulo ng lahat, ang pagiging ‘Filipino at Heart’ ay hindi lang isang identidad—ito’y isang misyon ng pagmamahal at serbisyo sa bayan!
‘Filipino at Heart with Teacher Jean’ is produced by Ms. Ivy Barrios of Makers Mind Media Productions and directed by Noel Cabacungan.
