AI-AI DELAS ALAS, SANAY SA MGA BASHERS

MULING naging matunog ang pangalan ng Comedy Queen na si Aiai Delas Alas sa social media matapos ang kanyang viral “How You Like That” production number sa All-Out Sundays at pagkanta ng “Ice Cream” na isang hit song ng BLACKPINK  bilang opening number ng The Clash.

Kung may mga natuwa sa kanyang performance mayroon din namang hindi ito nagustuhan lalo na ang mga fans ng K-pop.

Nanatiling kalmado ang komedyante sa kabila ng pangyayari at nagpasalamat ito sa mga sumuporta sa kanya sa pamamagitan ng Instagram.  

“Sa lahat ng mga natuwa salamat po, next time mas gagalingan ko pa para lalo kayong maging masaya,”

“Sa mga bashers, thank you din napansin n’yo ako at salamat sa maraming oras n’yo hehehe…”

Sinabi ni Aiai sa kanyang panayam sa isang virtual mediacon ng The Clash Season 3 hindi siya nagpapaapekto pamba-bash dahil sanay na siya makatanggap nito.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *