K-POP GROUP NA BTS HATAW SA DAMI NG AWARDS SA MTV EUROPE MUSIC AWARDS

PIHADONG abot langit ang kaligayahan ng mga taga suporta ng K-pop superstars na BTS matapos makasungkit ng apat na premyo sa MTV Europe Music Awards nitong Linggo kasama ang best song for “Dynamite” at pagiging best group.


Ang unang kanta sa wikang Ingles ng grupo na Dynamite ay nagtala ng halos 34 milyong US streams at 300,000 na benta sa unang linggo nito, upang kilalanin ang BTS bilang kauna-unahang Korean act na nag-debut sa No. 1 sa US Billboard Hot 100 singles chart.

Ang nasabing K-pop band ay humakot din ng mga parangal sa MTV para sa pinakamahusay na virtual na live act at ang may pinakamalaking tagahanga, bagaman mayroong pandemdya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *